441 total views
Nagpahatid ng panalangin ang Diyosesis ng Surigao para sa kaligtasan ng mga naapektuhan ng bagyong Vicky na patuloy na nararamdaman sa ilang bahagi ng Mindanao.
Ayon kay Surigao Bishop Antonieto Cabajog na matinding pag-uulan lamang ang kanilang naranasan simula kahapon ng hapon dulot ng bagyo na humina naman nitong umaga.
Ayon sa Obispo, bagamat may mga naitalang pagbaha sa ilang mga parokya ay wala namang naapektuhang buhay at ari-arian sa nagdaang bagyo.
Sa kasalukuyan, ayon sa Obispo ay patuloy pa rin silang nangangalap ng impormasyon para sa kalagayan ng iba pang parokya na sakop ng Diyosesis.
Sa ngayon ayon kay Bishop Cabajog ay nararanasan na ang maaraw na kalangitan sa Diyosesis.
Gayundin, ayon naman kay Cagayan de Oro Archbishop Jose Cabantan ay maaraw na kalangitan na ang nararanasan sa Arkidiyosesis at wala namang naitalang pagbaha sa kabila ng pag-uulan kahapon.
Naitala naman ang 2-kataong nasawi sa bayan ng Mahaplag, Leyte bunsod ng landslide dahil sa matinding pag-uulang dala ng bagyo.
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});
Samantala, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang bahagi bahagi ng bansa dulot ng bagyong Vicky.
Inaasahan naman itong lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Linggo ng hapon o gabi.