31,467 total views
Sumentro sa pangangalaga sa kalikasan ang isiganagawang monthly prayer meeting ng Council of the Laity at Radio Veritas sa pangunguna ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo.
Kabilang sa ipinagdasal ng Obispo ang mga environment defenders na humaharap sa mga banta sa buhay dahil sa pagtatanggol sa kalikasan.
Bukod dito, nanawagan din ng panalangin ang Obispo upang mapigilan ang pagtatayo ng Kaliwa dam sa Sierra Madre na nasasakupan ng Prelature of Infanta sa Quezon.
Umaasa ang Obispo na sa pamamagitan ng panawagan ng mamamayan ay maisusulong ang pangangalaga sa kalikasan at ang pakikipaglaban ng mga katutubo sa Quezon para sa kanilang lupaing minana.
“Bahagi po ng ating pangangalaga sa kalikasan ay yung advocacy na panindigan natin at ating panawagan na tanggalin ang mga masamang gawain, at yan po ay ang paggagawa ng dam sa sierra madre, sisirain ang higit na 500 hectares na forest para gawan ng dam, at masama don ang mga katutubo natin mawawalan sila ng kanilang ancestral lands.” pahayag ng Obispo sa Online Prayer meeting sa Radyo Veritas.
Dahil dito, hinimok ni Bishop Pabillo ang mananampalataya na makiisa at lumagda sa kampanyang 10 Million Signature Campaign – No to Kaliwa Dam sa pangunguna ng Save Sierra Madre Network Alliance, kasama ang Prelatura ng Infanta.
Kasabay ng pagdiriwang ng Season of Creation ngayong Septyembre hanggang ika-4 ng Oktubre, unang naglabas ng Pastoral Letter si Bp. Bernardino Cortez ng Prelatura ng Infanta bilang panawagan ng pakikiisa sa signature campaign.
“Come September until October 4, 2019 we will celebrate the Season of Creation. This is the time to promote and expound our Pastoral Letter – “An Urgent Call for Ecological Conversion, Hope in the Face of Climate Change. In spirit of solidarity for “our common home” (Pope Francis) and in this regard, may we present to you our appeal and campaign: NO TO KALIWA DAM! We ask you, your ecology ministry, earth ministry desk to support us in our 10 Million Signature Campaign – No to Kaliwa Dam.” Bahagi ng liham pastoral ni Bishop Cortez.
Tinatayang aabot sa 500 hektaryang kagubatan ang masisira sa kabundukan ng Sierra Madre kung matutuloy ang pagtatayo ng Kaliwa Dam.
Umaasa ang simbahan at mga makakalikasang grupo na didinggin ng pamahalaan ang panawagan upang mapangalagaan ang kalikasan.