10,445 total views
Hiniling ni Borongan, Eastern Samar Bishop Crispin Varquez sa panginoon na iligtas ang mamamayan sa banta ng bagyong Carina.
Ipinagdarasal ng Obispo na hindi magdulot ng anumang pinsala sa buhay at kabuhayan ang bahang dulot ng bagyo sa Metro Manila at karatig lalawigan. “We are praying for the victims of the big floods in Metro Manila areas and the rest of Luzon. May the flood subside soon so the people will not suffer long and less damage of properties,“ipinadalang message ni Bishop Varquez sa Radio Veritas. Tiniyak ni Bishop Varquez ang pakikiisa at pananalangin sa kaligtasan ng mamamayan sa pagtama ng bagyong Carina.
Panalangin din ng Obispo ang mabilis na pagbangon ng mga apektado ng masamang panahon. “May the Lord protect them from possible illness. Give them hope to rise from the destruction brought by heavy downpours of rain,” ayon pa sa mensaheng ipinadala Bishop Varquez sa Radio Veritas.