322 total views
Ipinapanalangin ni Diocese of Surigao Bishop Antonieto Cabajog ang kaligtasan ng bawat isa lalo’t higit sa tatamaan ng bagyong Odette.
Ayon kay Bishop Cabajog, kasalukuyang makulimlim ang papawirin at mayroon na ring kaunting pag-uulan sa Surigao del Norte.
Bagamat hindi pa gaano nararamdaman ang lakas ng Bagyong Odette, nakahanda na ang Social Action Center ng diyosesis para sa agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga maaapektuhan ng bagyo.
“Activated na ang aming Social Action Centers dito at nakaready na rin to help those who will be affected ng typhoon,” pahayag ni Bishop Cabajog sa panayam ng Radio Veritas.
Dalangin naman ni Bishop Cabajog na nawa’y patuloy na gabayan ng Panginoon ang sambayanan Pilipino upang maligtas sa anumang pinsala at sakunang maidudulot ng bagyong Odette sa bansa.
“Lord of heaven and earth, we come before You on bended knees, begging for Your protection and fatherly care from the forthcoming Typhoon Odette. Relying on the words of Your Son, ‘Knock and you shall receive, seek and you shall find.’ We knock at Your heart to have mercy on us, sinful as we are, to deliver us from all harm,” dalangin ni Bishop Cabajog.
Naunang tiniyak ng Diocese of Surigao at Archdiocese of Cagayan de Oro na bukas ang lahat ng simbahan sa mga magsisilikas dulot ng epekto ng bagyo.