236 total views
Nagpahatid ng kaniyang panalangin si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle para sa kaligtasan ng mamamayan na posibleng masalanta ng bagyong Tisoy.
Hiling na panalangin ni Cardinal Tagle ang paghupa ng malakas na bagyo gayundin ang pangamba ng maraming Filipino.
“Batid Mo ang pangamba ng maraming Pilipino dahil sa pagpasok ng bagyong Tisoy sa aming bansa,” bahagi ng panalangin ni Cardinal Tagle.
Kabilang sa mga apektado ng bagyo ang Southern at Central Luzon kabilang na ang Metro Manila.
Hiling din ni arsobispo ng Maynila sa bawat mamamayan na magdamayan sa panahon ng kalamidad at ipadama ang malasakit sa kapwa.
Panalangin pa ni Cardinal Tagle, “Ilayo po ninyo sa panganib at sakuna ang mga pamilya, lalo na ang mga dukha. Himukin mo kaming magdamayan. Patuloy nawa naming alagaan ang kalikasan at bawa’t kapwa-tao.”
Hinimok din ng cardinal ang mamamayan na patuloy na alagaan ang kalikasan upang ibsan ang epekto ng mga kalamidad.
Panawagan din ni Cardinal Tagle ang pangagalaga sa ating kapwa na kasalukuyang nangangamba sa kanilang kaligtasan dulot ng pinsalang dala ng bagyong Tisoy.
Ang bagyong Tisoy ang ika-20 bagyong pumasok sa bansa na karaniwan ay may higit sa 20 bagyo kada taon.
Panalangin para sa mga nasalanta ng bagyong Tisoy