364 total views
Ibinahagi ni Department of Transportation Senior Transportation Development Officer Eldon Joshua Dionisio na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang sektor at sangay ng gobyerno upang matiyak na ligtas para sa mga nagbibisikleta ang mga kalsada sa bansa.
“We are in constant coordination po with the LTO for the education of primarily the motor vehicle users,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Dionisio.
Ito ay sa isinagawang online forum na may paksang “Biking Out Of The Pandemic: A Forum On Active Transportation In 2022” kung saan tinalakay ang pagdami ng mamamayang gumagamit ng bisekleta.
Ayon kay dionisio, kaakibat ng mga hakbang ay ang dagliang pagpapatupad ng Land Transportation Office na isama sa mga driving courses ang paksa na mangangalaga sa mga bike users sa Pilipinas.
Ito ay may layuning ipabatid sa mga student drivers na sa kanilang pagmamaneho ay mayroon at hindi maiiwasang makasalamuha ang mga siklista.
“Good News po last year I think back in november or october LTO already included some of the actually our guidelines on the safe passage of active transport users and the light mobility users and their theoretical courses and practical courses in LTO”.ayon sa pa kay Dionisio
Ayon pa sa opisyal ng DOTR, nagpapatuloy din ang kagawaran sa information dessimination sa mamamayan sa pamamagitan ng mga billboards at book pamphlets tungkol sa mga paksa ng road safety.
Ayon kay Dionisio, ito ay sa tulong din ng mga pribadong kompanya kung saan ipinapamahagi ang mga booklets.
Kaisa naman ang simbahang katolika sa mga hakbang katulad ng pag-gamit ng mga bisikleta sa halip na gumamit ng sasakyang de motor na magdudulot naman ng climate change.