1,253 total views
Tiniyak ng Department of Tourism ang pakikiisa sa pamahalaan upang mapangalagaan ang kapayapaan laban sa banta ng communist groups.
Ito ang ipinangako ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco matapos manumpa bilang isa sa mga cabinet officer ng Regional Development and Security (CORDS) na papangasiwaan ang mga Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (JRTF-ELCAC).
Naniniwala ang kalihim na uunlad ang sektor ng turismo sa iba’t-ibang bahagi ng bansa kung maalis ang banta ng mga komunistang grupo.
“The approval of the NTF-ELCAC National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Execom Resolution No. 1 is a tacit manifestation of the enduring commitment of the Marcos administration to upholding lasting peace and economic prosperity, as the CORDS for the JRTF in Central Visayas, we see this as an opportunity for wider collaboration with our partners and stakeholders in Central Visayas to further our tourism gains.” ayon sa mensahe ni Secretary Frasco na ipinadala ng DOT sa Radio Veritas.
Tiwala din ang kagawaran na sa tulong ng pinaigting na pakikiisa ng DOT sa NTF-ELCAC ay higit na maisusulong ang pagpapayabong na turismo sa mga hindi pa kilalang tourist spots sa bansa.
Unang nilinaw na Catholic Bishop Conference of the Philippines President – Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na tanging CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs lamang ang nagkaroon ng pakikipag-ugnayan sa NTF-ELCAC.