7,830 total views
Nanawagan si Speaker Martin Romualdez sa mga kompanya ng langis na tumulong sa pagpasan sa mataas na presyo ng produktong petrolyo upang mabawasan ang epekto sa mga ordinaryong Pilipino.
Sa isinagawang consultative meeting sa Mababang Kapulungan, iminungkahi ng mambabatas na bawasan ng mga kompanya ng langis ang kanilang kita para bumaba ang presyo ng krudo.
Bukod sa miyembro ng Kamara, kasama sa pagpupulong ang mga opisyal ng Department of Energy, at mga kinatawan ng mga kompanya ng langis.
“If you are part of the solution, Congress will be very appreciative and supportive of you. But if you are part of the problem, we might have to undertake measures that would be unpalatable to you…I hope we can work together to help our people,” dagdag pa ni Romualdez.
Tiniyak naman ni Romualdez na bukas ang Kamara na dinggin ang iba pang alternatibong paraan upang mapababa ang presyo ng produktong petrolyo kasama na ang posibleng pagbawas sa buwis na ipinapataw sa mga ito.
Un ang iginiit ng Makabayan bloc ang pagsasabatas ng ilang mga panukalang makakabawas sa presyo ng petrolyo kabilang na ang nationalizing Petron Corporation- o muling pagbawi ng pamahalaan sa Petron upang makatulong na makontrol ang pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Gayundin ayon kay Gabriela Party list Representative Arlene Brosas ang suspensyon sa pagpapataw ng Value added Tax at excise tax sa petroleum products.