185 total views
Kapanalig, ang kamatayan ay isang usaping kadalasan ayaw nating bigyang pansin. Maliban sa nakakalungkot, ito rin ay nagdadala ng kaunting takot. Lalo na sa ating bansa ngayon na tila naging mura na ang buhay. Ang isyu ng kamatayan ay tila mas iniiwasan na ng mas marami nating kababayan. Ngunit ito ay isang tema na dapat din nating harapin. Natural na parte ito ng buhay ng tao.
Noong 2016 kapanalig, malaki ang tinaas ng bilang ng mga namatay. Base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), mas mataas ng 3.5% ang bilang ng pumanaw noong 2016 kaysa noong 2015. Mahigit 560,000 lamang ang namatay noong 2015, kapanalig. Naging 582,183 ito noong 2016.
Suma total, mga 1,591 katao kada araw ang pumanaw noong 2016. Katumbas ito ng 66 kada araw.
Bago tayo umalma, ang mga bilang ng pagpanaw na ito ay may iba ibang dahilan. Isa sa mga nangungunang dahilan ay ang ischemic heart disease. Mga 44,472 or 13.3% ang sakop nito sa bilang ng mga naratay noong 2016. Ang neoplasm naman o cancer ay pumapangalawa sa 12.5%. Ang Other Causes of Death sa bilang ng PSA ay umabot ng 29% ng lahat ng dahilan ng kamatayan sa bayan noong 2016.
Ang nakakalungkot dito, kapanalig, anim sa sampung namatay ay hindi nakita o nabigyang kalinga ng doktor. Ayon pa rin sa PSA, sa 582,183 na naitalang namatay noong 2016, 342,705 o 59.2% ay hindi medically attended. Ang NCR ang may pinakamaraming bilang ng mga namatay na nakita ng doktor o medically attended. Mababa ang antas nito sa mga probinsya.
Ang datos na ito ay malaki ang implikasyon sa estado ng health care sa bansa. Kung marami ang hindi nabigyan ng lunas sa health facilities, maaring kulang na kulang o malayo ang health service providers pati mga health care unitss sa bansa o matagal magrespunde ang kinauukulang rescue units. Maari ring mahal ang health care.
Ang access to health ay mahalaga kapanalig. Kung abot kamay lamang ang mga hospital at iba pang health facilities, mapapaliit natin o maiwawaksi ang bilang ng mga premature deaths. Kaya lamang maraming mga areas sa ating bansa ang tunay na malayo at liblib kaya hindi agad nabibigyang lunas ang mga may sakit.
Napakahirap isipin, kapanalig, na kapag panahon ng emergencies, halos walang matakbuhan ang marami nating mga kababayan. Alam naman natin na sa mga medical emergencies, ang bawat segundo ay mahalaga. Kaya sana, isa sa mga malakawang pagbabago na kailangan sa ating bayan ay ang pagkaroon ng maayos na access to health. Kung madaling mapuntahan ang mga health facilities, mas tiyak ang kaligatasan ng marami. Ang Laborem Exercens, bahagi ng Panlipunang Turo ng Simbahan, ay nagsasabi sa atin na dapat laging available ang medical assistance, at sana, hangga’t maari, libre ito. Pangarap natin itong lahat kapanalig, at sana naman, maging totoo ito sa lalong madaling panahon.