256 total views
Ito ang hinaing ng Puwersa ng Pamayanan para sa Volunterismo at Reporma (PPVR) sa isinasagawang Lakbay-Buhay pilgrimage na pinangungunahan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines National Secretariat for Social Action Justice and Peace, Sangguniang Laiko ng Palipinas, Radio Veritas at iba’t-ibang Non-Governmental Organizations o NGOs.
Ayon kay Lakbay-Buhay Youth Representative Ninian Sumadia, kung magkakaisa ang tinig ng bawat millenials ay maipararating nito sa kinauukulan ang paninindigan sa buhay at panganib na maaaring idulot sa mga kabataan ng isinusulong na parusang kamatayan.
“Magkaisa po tayo para labanan ang death penalty. Kailangan po natin na ipagtanggol ang buhay, dignidad at karapatan ng bawat isa. Mga kabataan, tayo po ang bumubuo ng kalahating populasyon ng ating bansa, ang boses po natin ay kailangan nating pasama-samahin para hindi po ipasa ng Senado ang batas na ito dahil ito ay magdadala lamang ng kamatayan sa mga kabataan,” panawagan ni Sumadia.
Kabilang si Sumadia sa 15 core pilgrims na patuloy sa paghimok sa mga Piliupino na manindigan para sa buhay kontra Death Penalty Bill na una nang nakapasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Nagsimula noong ika-4 ng Mayo ang 21-day Lakbay-Buhay march caravan for life sa Cagayan de Oro na magtatapos ngayong araw.
Nanawagan ang Lakbay-Buhay pilgrimage sa mga Senador na ang death penalty ay imoral, illegal at anti-poor.
Sa datos ng Amnesty International, 104 bansa ang nagpawalang-bisa na ng parusang kamatayan kung saan magugunita na naging kauna-unahan ang Pilipinas sa buong Asya na nagtanggal ng death peanlty sa ilalim ng 1987 Constitution.
Sa katesismo ng Simbahang Katoliko, malinaw na nasasaad na ang pagpatay ay paglabag sa sampung utos ng Diyos.