147 total views
Suportado ng Mindanao Bishops ang isinagawang “Walk for Life” nitong nakaraang Sabado sa Quirino Grandstand na dinaluhan ng mahigit sampung libong katao.
Ayon kay Archdiocese of Ozamiz Archbishop Martin Jumoad, kabilang ng lahat ng Obispo sa rehiyon ng Mindanao ay magsasagawa ng kanilang taunang recollection upang mapagnilayan ang kabanalan ng buhay.
“Importante na bigyan natin ng halaga ang buhay. Kasi if it is then okay lang ang mga abortion, okay lang ganyan. Hindi yun puwede, hindi yun puwede. Kaya nga ang lahat ng Obispo ng Mindanao ngayon, pupunta sa Bongao, Tawi-Tawi, may recollection kami, at maybe we will also reflect on the meaning of life.”pahayag ni Bishop Jumoad sa Radyo Veritas.
Inaasahan naman ni Archbishop Jumoad na sa pagtatapos ng kanilang recollection ay masusundan na rin ito ng mga pagkilos tulad ng “Walk for Life” sa kani – kanilang diyosesis na nasasakupan.
“Kailangan ipahiwatig natin sa lahat ng mga tao na importanteng-importante na depensahan natin ang buhay. Ang Panginoon ang may-ari ng buhay. Kaya nga ang Panginoon din ang may power na kunin ito. So, walang ibang tao na makagawa nito. Only the Lord, the owner of life, and He can also take it away.”pahayag ni Bishop Jumoad sa panayam ng Radyo Veritas.
Patuloy na hinihimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle at CBCP President Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang lahat ng mga layko na ipagpatuloy ang kampanya laban sa pagtutol sa culture of death sa paglalagay ng mga placards sa kanilang mga tahanan, barangay at parokya.
Read:
http://www.veritas846.ph/walk-life-cardinal-tagle/
http://www.veritas846.ph/statement-archbishop-soc-villegas-walk-life-2017/
Samantala, sa isinagawang kampanya ng kasalukuyang administrasyon laban sa iligal na droga ay nakapagtala ng mahigit pitong libo na ang napatay