174 total views
Nag-sorry sa pamunuan ng Radio Veritas at kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga kandidatong hindi nakalagda sa TRUTH covenant sa Manila cathedral noong ika-2 ng Mayo, 2016.
Ang paghingi ng paumanhin ng mga kandidato ay patunay nang kanilang pagkilala at pagpapahalaga sa isinagawang TRUTH covenant signing ng Radio Veritas at Simbahang Katolika.
Upang pagtibayin ang kanilang pakikiisa sa layunin, personal na pumunta sina Presidential candidate Senador Grace Poe, Vice-presidential aspirant Francis “Chiz” Escudero at Senatorial candidates na sina Joel Villanueva, Dante Liban at Neri Colmenares para lumagda sa Truthful, Responsible, Upright, Transparent & Honest (T.R.U.T.H.) elections 2016 covenant sa Veritas chapel, West Avenue, corner Edsa, Quezon City kahapon ika-4 ng Mayo, 2016.
Personal namang humingi ng paumanhin si Poe sa pamunuan ng Radio Veritas at Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle nang hindi makadalo sa isinagawang signing ng TRUTH covenant matapos ang banal na misa na pinangunahan ng kanyang Kabunyian sa Manila Cathedral noong ika-2 ng Mayo, taong kasalukuyan.
Ayon kay Poe, personal din siyang sumulat kay Cardinal Tagle para humingi ng paumanhin matapos niyang ma-miss ang napakahalagang event signing na paalala sa mga kandidato para magkaroon ng tapat at mapayapang halalan sa ika-9 ng Mayo.
Iginiit ni Poe na bagama’t may mga batuhan ng putik sa pagitan ng mga kandidato ay mahalaga ang ginagawa ng Simbahan para tuwinang bigyang paalala ang mga tumatakbo sa halalan.
Nilinaw naman ni Escudero na lumagda siya sa TRUTH covenant para ipakita na tapat siyang maglilingkod sa mga mahihirap sa pamamagitan ng tamang allocation ng government resources.
Tiniyak din ni Escudero na bibigyan niya ng mas malaking budget ang mga mahihirap na sektor ng lipunan tulad ng labor force o manggagawa.
Para naman kay Colmenares, ang paglagda sa Truth Covenant ay katibayan ng relasyon ng isang pulitiko na lumagda sa Panginoon na nangangako na hindi mandaraya, at magiging tapat.
Sinabi ni Colmenares na ang kanyang paglagda ay pangako mismo sa harap ng panginoon at patunay na may isang salita at paninindigan ang isang politiko.
Itinuturing din nito ang “covenant” na sign of Hope.
Inihayag naman ni Liban na ang kanyang paglagda ay patunay na buo ang kanyang puso na ipaglaban ang mga karapatan ng pamilyang Pilipino.
Itinuturing naman ni Villanueva ang TRUTH covenant na mahalagang bagay na magpapatunay na ang isang pulitiko ay isang mabuting halimbawa at ehemplo sa mga kabataan.
Nangangako din si Villanueva na tatalima sa mga kautusang itinakda ng Panginoon na kailangan ng malinis na halalan at mapangalagaan ang karapatan ng bawat mamamayan na maghalal ng lider para sa Pilipinas.
Si Presidential candidate Rodrigo Duterte ay nakikipag-ugnayan din sa Radio Veritas sa kahandaang pumirma sa TRUTH covenant.
Lunes ika-2 ng Mayo nang isinagawa ang misa at paglagda ng mga kandidato sa TRUTH covenant.
T.R.U.T.H. COVENANT
We, as leaders of this country, pledge to support and promote the right of every Filipino to vote;
We pledge to advocate Truthful, Responsible, Upright, Transparent & Honest (T.R.U.T.H.) Elections in these 2016 Synchronized National & Local Polls.
We pledge to support campaigns that aim to motivate the Filipino people take responsibility for the country by participating in the polls. We also exert great effort and exhaust all means to encourage every Filipino to responsibly exercise their right to suffrage;
We pledge to avoid resorting to the politics of personalities and patronage, to refrain from using guns, goons and gold;
We pledge to strongly admonish our relatives, friends, followers and supporters to desist from using violence, deceit, fraud and other unfair and dishonest practices.
We will uphold the credibility and the integrity of the remaining campaign period and election process and the dignity of the Filipino people;
We will uphold the constitution and support T.R.U.T.H. (Truthful, Responsible, Upright, Transparent & Honest) Elections on May 9, 2016;
We will remember always that we are God’s steward on earth and must therefore promote at all times a safe, clean and wholesome environment and an unequivocal respect and reverence for life;
We commit ourselves to this covenant signed on this 2nd Day of May in the Year of our Lord 2016 at Manila Cathedral, Intramuros, Manila.
Lumagda sa TRUTH covenant sa Manila Cathedral sina Vice President Jejomar Binay at dating DILG Secretary Manuel Roxas kasama 16-na senatorial candidates na kinabibilangan nina Vicente Sotto III, Martin Romualdez, Isko Moreno, Roman Romulo, Leila De Lima, Princess Jacel Kiram, Eid Kabalu, Riza Hontiveros at Francis Tolentino.
Naging saksi sa TRUTH covenant signing sina Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, Radio Veritas President Fr. Anton Pascual, Comelec Chairman Andres Bautista, PNP Chief Ricardo Marquez, mga kinatawan ng PPCRV, NAMFREL, Taskforce 2016 at LENTE.