Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kanselasyon ng mining permits,kinatigan ng mga Social Action Center ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

 557 total views

Nagpahayag ng suporta ang iba’t-ibang social action center ng Simbahang Katolika sa Pilipinas sa naging desisyon ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez na kanselahin ang operasyon at Mineral Production Sharing Agreement (MPSAs) ng iba’t-ibang minahan sa Pilipinas.

Ayon kay Diocese of Bacolod Social Action Center director Father Ernie Larida, pabor siya sa ginawang desisyon ni Lopez dahil tunay na nakakasira ng kalikasan ang pagmimina.

Tiniyak ng pari na maging ang mga susunod na henerasyon ay makikinabang dito bagamat ilang mga manggagawa ang maaapektuhan na maari naman mapagkalooban ng ibang mapagkakakitaan.

“We need to protect our remaining environment and ecosystem for our good and the good of the next generations. I pity that a good number of people will become jobless but the government promised to help them find a job through tourism and the same time protecting our environment.”pahayag ni Larida sa Radio Veritas.

Ganito rin ang pahayag ni Father Guillermo Alorro, Social Action Director ng Diocese of Calbayog, Samar.

Kinumpirma ni Father Alorro na malaki ang epekto ng pagmimina sa kanilang lugar lalo na’t madalas silang makaranas ng mga kalamidad.

“Malaki talaga ang epekto nito sa sa lugar namin dito sa Samar at sa buong Pilipinas, kasi tayo ang importer ng malalakas na bagyo and our people are still vulnerable when it comes to preventing disasters.”mensahe ng Pari sa Radio Veritas.

Inihayag naman ni Father Edgar Fabic ng Calapan Oriental Mindoro na magsasagawa sila ng pasasalamat sa hakbang ng DENR ngayong ika-27 ng Pebrero, 2017.

Umaasa ang Pari na pormal nang maideklara na watershed area ang isang mining site sa nasabing lalawigan.

“Big thanks to DENR nabawasan ibang effort para sa anti-mining advocacies, may grupo dito na mag-conduct ng gratitude this Feb.27. Sana nga ma-declare na itong mining site dito na watershed officially.”pahayag ni Father Fabic.

Nauna rito, ikinagalak din ng iba’t-ibang environmental groups ang kanselasyon ng MPAs at mining permits ng mga minahan.

Read: http://www.veritas846.ph/cancellation-ng-75-mining-contracts-ipinagbunyi/

Magugunitang 72 MPAs at 23 mining permits ang kinansela ni Secretary Lopez bilang bahagi ng patuloy nitong pagtatanggol sa karapatan ng kalikasan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 29,510 total views

 29,510 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 44,166 total views

 44,166 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 54,281 total views

 54,281 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 63,858 total views

 63,858 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 83,847 total views

 83,847 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 3,825 total views

 3,825 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer Report ng Diocesan Social Action Center- Ilagan, umabot sa 2,155 Pamilya mula sa 5 Bikaryato ng Diyosesis ang nagsilikas dahil sa pagbaha dulot ng bagyo. Summary of evacuees from the

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Mga lider ng simbahan sa Luzon, nagpapasalamat sa maliit na epekto ng bagyong Karding

 31,604 total views

 31,604 total views Patuloy ang ating ginagawang pagkilos at komunikasyon ng iba’t ibang Diyosesis sa Luzon region kaugnay sa naging pinsala ng bagyong Karding. Batay sa pakikipag-ugnayan ng Radyo Veritas sa mga kinatawan ng Simbahan Katolika sa Cordillera Region, walang naging malaking epekto ang bagyo sa rehiyon bagamat may naitalang landslide sa Tinoc-Kiangan road. Kinumpirma ito

Read More »
Environment
Rowel Garcia

Kamalayan sa pangangalaga sa kalikasan, sandata ng mamamayan sa pinsala ng kalamidad

 1,361 total views

 1,361 total views Pangangalaga ng kalikasan ang isa sa mga dapat maging sandata ng mamamayan upang makaiwas sa pinsala ng kalamidad. Ito ang paniniwala ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona kaugnay sa kanilang mga ginagawang kahandaan sa Arkidiyosesis ng Caceres na madalas na nakakaranas ng mga mapaminsalang bagyo at iba pang banta sa kalikasan. Ayon kay

Read More »
Environment
Rowel Garcia

Parish forest project, paiigtingin ng Diocese of Tagbilaran

 906 total views

 906 total views Pursigido si Tagbilaran Bishop Alberto Uy na ipagpatuloy ang kanilang proyekto na makapagtayo ng mga Forest Reservation area sa bawat parokya ng kanilang nasasakupan. Ito ang inihayag ni Bishop Uy matapos na maraming mga puno at kakahuyan ang nasira sa pananalasa ng bagyong Odette tatlong buwan na ang nakakalipas. Ayon sa Obispo bago

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Lindol sa Occidental Mindoro, hindi nag-iwan ng matinding pinsala

 881 total views

 881 total views Ipinagpapasalamat ng Apostolic Vicariate ng San Jose Occidental Mindoro na walang ano mang pinsala o trahedya na idinulot ang paglindol pasado ala-una ng madaling araw, ika-27 ng Setyembre. Ayon kay Rev. Fr. Rolando Villanueva, Social Action Director ng bikaryato na bagamat nabahala ang marami sa mga residente ay wala naman naitalang pinsalang ang

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Mamamayan, hinimok na isulong ang renewable energy

 866 total views

 866 total views Hinikayat ng Oxfam Pilipinas ang publiko na isulong ang paggamit ng renewable energy sa gitna ng patuloy na banta ng Climate Change. Sa panayam ng programang “Dapat All Equal” kay Maria Rosario Felizco, Country Director ng Oxfam Philippines, sinabi nito na mahalaga na magkaroon ng kaalaman at pakikibahagi ang mamamayan sa pagsusulong na

Read More »
Environment
Rowel Garcia

Paninigarilyo, banta sa kalusugan at kalikasan

 1,157 total views

 1,157 total views Pinaalalahan ng mga eksperto ang publiko na tigilan na ang paninigarilyo dahil sa patuloy na banta na idinudulot nito sa kalusugan at kalikasan. Sa panayam ng programang Caritas in Action kay Caritas Manila Health Program Consultant, Dra. Madeliene De Rosas-Valera, malaki ang nagiging epekto ng paninigarilyo sa pagtaas ng kaso ng mga nagkakaroon

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

Pagbaha, nararanasan sa Diocese of Maasin dahil sa pananalasa ng bagyong Dante

 874 total views

 874 total views Nakataas ngayon ang Storm signal number 1 at 2 sa iba’t-ibang lalawigan dahil sa banta ng Tropical Storm Dante. Batay sa huling update ng PAGASA, bagamat humina ay inaasahan na mag-landfall ang bagyo sa Eastern Samar ngayon gabi o bukas ng madaling araw taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometro

Read More »
pondo ng pinoy garden
Cultural
Rowel Garcia

Diocese of Antipolo, nagpapasalamat sa suporta ng Pondo ng Pinoy sa kanilang “organic garden”

 817 total views

 817 total views Ipinagpapasalamat ng Immaculate Conception Parish sa Diocese of Antipolo ang suporta na ibinibigay ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. para sa kanilang proyekto na Our Lady of Organic Garden sa Cainta Rizal. Ayon kay Rev. Fr. Noeh Elnar, Parish Priest ng nasabing parokya, labis ang kanilang pasasalamat sa Pondo ng Pinoy matapos

Read More »
Disaster News
Rowel Garcia

500 bahay, itatayo ng Diocese of Virac sa mga biktima ng kalamidad

 878 total views

 878 total views 500 bahay para sa mga naapektuhan ng kalamidad ang hangad na maipagawa ng Diocese of Virac sa Catanduanes sa pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Ito ang ibinahagi ni Caritas Philippines Virac Director Rev. Fr. Renato Dela Rosa sa panayam ng programang Caritas in Action. Ayon kay Fr. Dela Rosa, hangad

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Community based Solid Waste Management livelihood project, inilunsad ng Caritas Manila

 822 total views

 822 total views Nasa 600 hanggang 800 Pamilya ang target na matulungan ng Caritas Manila sa Baseco Compound Manila kasabay ng kanilang proyekto na “Community –Based Solid Waste Management”. Ayon kay Bonna Bello, kinatawan ng Caritas Manila sa Baseco Compound at Sto Niño de Baseco Parish,dalawang linggo nang umuusad ang kanilang proyekto na naglalayong magbigay ng

Read More »

Selfish interest, nanaig sa pagkabasura ng appointment ni Lopez.

 613 total views

 613 total views Dismayado ang mga kinatawan ng Simbahang Katolika matapos hindi aprubahan ng Commission on Appointments ang pagkakatalaga bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources ni Gina Lopez. Ayon kay Rev. Fr. Augustus Calubaquib, Social Action Director ng Archdiocese of Tuguegarao, malinaw na inuna ng mga mambabatas ang personal na interes ng iilan

Read More »

Pagreject ng CA kay Lopez, pagtraydor sa Diyos at taumbayan

 576 total views

 576 total views Itinuturing na pagtraydor sa taumbayan ang pagbasura ng Commission on Appointments sa ad interim appointment ni Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources o DENR. Ayon kay Lipa Archbishop Emeritus Ramon Arguelles, nag-traydor ang mga mambabatas sa Diyos at sa taongbayan matapos tanggihan ang kumpirmasyon ni Lopez. Iginiit ng

Read More »
Environment
Rowel Garcia

Cancellation ng 75-mining contracts, ipinagbunyi

 563 total views

 563 total views Suportado ng iba’t-ibang environmental groups at mga Pari ng Simbahang Katolika ang naging desisyon ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Gina Lopez na kanselahin ang 75 mining contracts sa bansa. Sa isang Facebook post ni NASSA/Caritas Philippines executive secretary Rev. Fr. Edu Gariguez, inihayag nito ang kagalakan mula sa naging hakbang

Read More »
Environment
Rowel Garcia

Archdiocese of Cotabato, sinaklolohan ang mga apektado ng El Niño phenomenon

 673 total views

 673 total views Nag-ambagan ang mga parokya sa Archdiocese of Cotabato para tulungan at tugunan ang pangangailangan ng mga apektado ng El Niño phenomenon sa Mindanao. Kinumpirma ng Social Action Center ng Archdiocese of Cotabato ang matinding tagtuyot at kagutuman na nararanasan ngayon sa Maguindanao at iba pang karatig probinsya dahil sa epekto ng tagtuyot. Ayon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top