Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kapabayaan nating lahat

SHARE THE TRUTH

 202 total views

Mga Kapanalig, unti-unti nang nauubos ang pag-asang may mahuhukay pang buháy sa gumuhong mga bundok sa Benguet matapos ang matinding pag-ulang dala ng Bagyong Ompong. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi bababa sa 46 na bangkay na ang na-recover mula sa landslide sa Itogon, isang bayang kilala sa small-scale mining. Landslide din ang pumatay sa halos 30 tao sa Naga City sa probinsya ng Cebu nang gumuho ang isang quarry site matapos ang malakas na pag-ulan doon noong nakaraang linggo.

Sa araw namang ito, eksaktong siyam na taon na ang nakalipas, naganap ang sinasabing pinakamatinding pagbahang naganap sa Metro Manila at mga karatig na lugar. Ibinagsak ng Bagyong Ondoy sa loob lamang ng anim na oras ang ulang katumbas ng isang buwang pag-ulan. Aabot sa 464 katao ang naitalang namatay at halos isang milyong pamilya ang naapektuhan ng malawakang pagbaha at landslide.

Sa pagitan ng 2009 at 2018, marami nang dumaang malalakas na bagyo at matitinding pag-ulan sa ating bansa. At wala sa mga ito ang hindi nag-iwan ng matinding pinsala sa buhay at ari-arian. Maraming inilikas sa mga evacuation centers, mga nasaktan o namatay dahil sa flash flood o landslide, at mga pamilyang nawalan ng kabuhayan. Halos mabura ang mga bayan gaya noong tumama ang Bagyong Yolanda. Ngunit kagagawan nga ba ito ng mga bagyong dumaan?

May mga nagsasabing wala naman talagang matatawag na “natural disasters”, walang mga sakunang dala ng kalikasan. Ang mga bagyo o ulang dala ng habagat ay mga natural na pangyayaring may dalang panganib o hazard. Nagkakaroon lamang ng sakuna o kalamidad o disaster kapag ang hazard ay tumama sa mga lugar na tinitirahan ng mga tao at naapektuhan ang mga naninirahan.

May punto ito, mga Kapanalig. Halimbawa, kung ang isang supertyphoon ay nanatili sa karagatan at hindi tumama sa lupa, hindi natin iyon maituturing na “natural disaster” dahil wala namang naapektuhang buhay, walang disaster na naganap. Mukhang nasanay na tayong tawagin ang mga kalamidad bilang bunga ng mga “natural disaster” upang pagtakpan ang kakulangan nating mga tao—lalo na ng mga may tungkuling tiyakin ang kaligtasan ng lahat—sa paghahanda sa mga magiging epekto ng masamang panahon.

Gayunman, maraming kailangan isaalang-alang upang maunawaan kung bakit may mga taong naninirahan sa tabing-ilog at dalisdis o gilid ng mga bundok kahit alam nilang delikado roon. Ang mga pamilya sa Itogon, Benguet at Naga City, Cebu, halimbawa, ay nakatira sa mga landslide-prone na lugar dahil naroon ang kanilang kabuhayan. Ang mga binaha sa Marikina ay naroon din dahil malapit iyon sa lugar ng kanilang trabaho at mahahalagang serbisyo. Matitigas ba ang kanilang ulo? Hindi po—may mga praktikal na dahilan kung bakit may mga kababayan tayong pinipiling tumira sa mga mapanganib na lugar.

Ngunit kung ang mga minero ay napaglaanan ng ligtas na lugar upang pagtatayuan ng kanilang bahay, mayroon kayang mga matatabunan ng landslide kapag may bagyo? Kung ang mga manggagawa sa ating mga lungsod ay bibigyan ng pagkakataong tumira sa mga lugar na hindi lantad sa pagbaha, mayroon kayang mga pamilyang kailangang i-evacuate sa tuwing aapaw ang ilog? Sa madaling salita, marami ang maliligtas sa mga sakuna kung ibinabahagi sa lahat, lalo na sa mga mahihirap, ang mga lugar na akmang panirahanan. Nakalulungkot nga lamang na mas pinapaboran ng kasalukuyang sistema ng ekonomiya ang interes ng malalaking negosyong kumakamkam ng lupa upang pagkakitaan. Pinalalalâ pa ito ng isang uri ng pamamahalang hindi inuuna ang kapakanan ng mahihirap at ng kalikasan.

Mas nakalulungkot, mga Kapanalig, na marami sa atin ang hindi umiimik sa hindi makatarungang pakikinabang sa biyayang ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Sa huli, dahil sa pagpapabaya natin sa ating kapwa at sa kalikasan, masasabing may bahagi tayong lahat sa pagkamatay ng mga kababayan natin sa panahon ng kalamidad.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 27,417 total views

 27,417 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 42,073 total views

 42,073 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 52,188 total views

 52,188 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 61,765 total views

 61,765 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 81,754 total views

 81,754 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 27,418 total views

 27,418 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 42,074 total views

 42,074 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 52,189 total views

 52,189 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 61,766 total views

 61,766 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 81,755 total views

 81,755 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,401 total views

 48,401 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,426 total views

 43,426 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,995 total views

 46,995 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,450 total views

 59,450 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,517 total views

 70,517 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,836 total views

 76,836 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,447 total views

 81,447 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,007 total views

 83,007 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,568 total views

 48,568 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,398 total views

 69,398 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top