3,772 total views
Tiniyak ng Church People Workers Solidarity (CWS) Federation of Free Workers (FFW) at Kilusang Mayo Uno (KMU) ang patuloy na pagsusulong sa mga karapatan, buhay at kapakanan ng mga manggagawa.
Inihayag ni Atty. Sonny Matula, Chairperson ng FFW at Elmer Labog, Vice-chairperson ng CWS at Chairperson ng KMU na sa gaganaping International Labor Conference (ILC) sa Geneva, sa June 5, 2022 ay isusumite ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pangtao ng mga manggagawa, pagbuwag sa mga labor union at hindi pantay na suweldo at benepisyo sa bansa.
“We are deeply troubled by the rising incidence of violence and violations against trade union leaders and organizers, the International Labour Organization’s High-Level Tripartite Mission (ILO-HLTM) had taken cognizance of 68 killings of trade union leaders and organizers and about 400 cases of trade union rights violations in the country since President Rodrigo Duterte assumed office in 2016, continuing into the first year of the Marcos administration as of January 23, 2023,” ayon sa ipinadalang mensahe sa Radio Veritas ni Matula.
Ibinahagi ng F-F-W ang panibagong kaso ng paniniil sa hanay ng mga manggagawa sa lalawigan ng Bulacan.
Tinukoy ng F-F-W ang idinaos na trade union certification election ng Goodyear Container Corporation kasama ang mga opisyal ng Department of Labor and Employment Region 03 kung saan biglang dumating ang mga pulis na hindi inaasahang dumalo sa gawain.
Sinabi din Matula ang sunod-sunod na kaso ng paniniil sa mga manggagawa katulad ng pagdakip o pagpaslang sa mga union leaders.
“The FFW strongly protests this excessive police presence, which infringes upon the workers’ right to self-organization, a right that is protected by our fundamental law, a certification election is conducted by the DOLE to affirm the desire of workers to establish a trade union, such is a necessary step before collective bargaining could ensue,” ayon pa sa mensahe ni Matula
Sa 2021 Global Rights Index, nakapasok ang Pilipinas sa listahan ng ‘Most Dangerous Place for Union and Labor leaders’ kung saan 63-kaso ng pagpaslang o paniniil sa mga trade unionist sa Pilipinas.
Sa bahagi ng simbahan, patuloy ang pakikiisa sa pakikibaka sa pangunguna ng Church People Workers Solidarity para sa manggagawa.