Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 14,504 total views

Homiliya para sa Linggo ng Palaspas, 13 Abril 2025, Lukas 22-23

Salamat sa Diyos at inalis na ang parusang kamatayan sa ating batas sa Pilipinas. Totoo naman kasi na madalas magamit ang batas laban sa mga taong wala namang kasalanan pero gusto lang gipitin ng mga nasa kapangyarihan. At hindi totoo na epektibo ito bilang paraan ng pagsupil sa kriminalidad sa lipunan. Mas delikado sa lipunan kapag ang mismong mga alagad ng batas ang nagiging instrumento ng kriminalidad, lalo na kapag lumakas ang loob nila na abusuhin ang kapangyarihan, kapag sa tingin nila ay hindi sila mapapanagot ng batas, kapag para sa kanila sila na mismo ang batas o hawak nila ang batas.

Sa kasaysayan ng ating bansa, noong mayroon pang death penalty sa atin, iba’t iba ang paraan ng pagbitay na ginamit ng gobyerno. Noong panahon ng gobyernong kolonyal ng Espanya, garrote ang paraan ng pagbitay, katulad ng ginawa sa tatlong paring sina Padre Gomez, Burgos at Zamora, o firing squad naman tulad ng ginawa sa atin bayaning si Jose Rizal. Noong panahon ng mga Amerikano pagbibigti naman ang paraan ng pagbitay o pagparusang kamatayan. At inabot ko pa noong bata pa ako ang silya elektrika noong martial law, at ang lethal injection noong pagkatapos ng martial law. Natigil nga ito noong 2006, pero nauso naman ang EJK pagkatapos—mga iligal na paraan ng pagbitay pero tahimik na sinang-ayunan ng maraming Pilipino dahil sa paniwala nilang mabisang paraan ito ng pagsupil sa kriminalidad.

May narinig ako noon na mga kuwento ng mga paring chaplain na umalalay sa mga binibitay sa Bilibid. Ang iba daw, dahil sa tindi ng kaba at takot sa nalalapit nilang kamatayan, dinadala pa lang sa lugar kung saan bibitayin, nagwawala na sila at nagsisisigaw, ang iba’y nagsusuka, may naiihi sa pantalon, at merong nababaliw.

Ano ang nakikita nating kakaiba sa kuwento ni San Lukas tungkol sa pagharap ni Hesus sa parusang kamatayan sa krus? Una, kalmado siya; panatag ang loob na humarap sa mga umuusig sa kanya. Pangalawa, nanindigan siya na walang katotohanan ang mga paratang laban sa kanya. Pangatlo, pinigilan niya ang paggamit ng dahas, at pinagaling pa niya ang nasugatan na kampon ng mga umuusig sa kanya. Pang-apat, nagpatawad siya; hindi nagbitiw ng mga banta ng paghihiganti. (Itinuring niya sila bilang hibang o nawawala sa sarili.). At panglima, hanggang sa huling sandali nagbibigay pa rin siya ng pag-asa—katulad ng ginawa niya sa tulisan na katabi niyang nabitay sa kalbaryo.

Pero hindi rin totoong hindi siya natakot. Tao rin siya. Subalit hinarap niya ang takot niya sa gitna ng pananalangin niya sa hardin ng Gethsemani, hanggang sa napalitan ito ng kapanatagan ng loob.

Kapanatagan sa pagharap sa pagsubok—ito ang sinisimbolo ng palaspas na minana lang natin sa bayang Israel mula sa karanasang pinagdaanan nila sa disyerto. Kaya pala naging simbolo din ito ng ating mga bayani at martir sa simbahan. Ginawang tanda at sagisag ng pagbibigay-patotoo, sa matibay na pagyakap at paninindigan sa kalooban ng Diyos. Ito kasi ang larawan na ginamit bilang alaala ng bayang Israel, na sa maraming beses ay natukso ring masiraan ng loob sa paglalakbay nila sa disyerto, matapos na tumakas sa pagkaalipin mula sa Egipto. Ang palaspas ay para bang pampalakas-loob sa kanila na magpatuloy sa paglalakbay, sumulong, huwag umatras, humarap sa init, sa pagod, sa uhaw, sa gutom, sa dusa at kamatayan na walang hinahangad sa puso kundi ang makapasok sa Lupang Pangako.

Ganoon kung umusbong ang PAG-ASA. Na kapag madilim ang paligid, sa kalooban, sa puso at diwa tayo maghahagilap ng liwanag na siyang gagabay sa atin upang magtiyaga at magpunyagi. Ganoon kasi ang totoong mga kuwentong buhay natin—hindi naman laging matamis, maginhawa at masarap ang mga daranasin ng taong nagmamahal. Pero pagmamahal din ang nagpapalakas sa atin para harapin ang anumang pagsubok, pagtitiis, pagdurusa na may pananampalataya at tiwalang hindi tayo nag-iisa.

Sa ganitong paraan lamang natin nabibigyan ng saysay at kahulugan ang mga krus sa buhay natin. Mas masakit daw ang magdusa kapag di natin mabigyan ito ng kahulugan. Ito ang pinakamahalagang aral na kaloob ni Kristo sa atin na mga alagad niya. Siya lang ang makapagtuturo sa atin kung paano mapapagaan ang mabibigat na pasanin. Na kung susunod tayo sa landas ng kalbaryo, matatagpuan natin sa kanyang piling ang hinahon, kapanatagan, at tiwala. Na kung haharapin natin ang ating mga pagdurusa at kamatayan bilang pakikiisa sa kanyang pagdurusa at kamatayan ay mabibigyan natin ito ng kahulugan bilang partisipasyon o pakikilahok sa kanyang misyon ng pagtubos sa mundong nakasangla, misyon ng pagpapalaya mula sa pagkakabihag, ang misyon pag-aalay at pagbibigay-buhay sa ikatatagumpay ng paghahari ng Diyos.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 13,008 total views

 13,008 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 29,595 total views

 29,595 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 30,964 total views

 30,964 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 38,502 total views

 38,502 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 44,006 total views

 44,006 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

TEARS

 4,611 total views

 4,611 total views Homily for Mass for the Easter Octave Mass for the Eternal Repose of Pope Francis, Jn 20:11-18 It is the Octave of Easter.

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGSALUBONG

 6,973 total views

 6,973 total views Homiliya para sa Paskong Pagkabuhay 2025, Juan 20:1-9 Kung may kakaiba o natatangi tungkol sa Pilipinong pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay, ito ay

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

EKSENANG KARUMAL-DUMAL

 18,948 total views

 18,948 total views Homiliya sa Biyernes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong hapon ng Biyernes Santo, tahimik tayong nagtitipon sa harap ng isang larawang karumal-dumal, ang imahen

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

KAIN NA

 7,835 total views

 7,835 total views Homiliya para sa Misa ng Huling Hapunan ng Panginoon Huwebes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong gabing ito, ipinagdiriwang natin ang tatlong malalalim na

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

FULFILL YOUR MINISTRY

 6,945 total views

 6,945 total views Homily for Chrism Mass 2025 My dear brother priests and our beloved priestly people, magandang umaga po sa inyong lahat. Every year, on

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

“HUDYO” AT “ROMANO”

 2,679 total views

 2,679 total views Homiliya para sa Huwebes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, 10 Abril 2025, Jn 8:51-59 Sa kadahilanang hindi sinasadya, alam n’yo ba na naging

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGSAMBANG NAGPAPALAYA

 2,681 total views

 2,681 total views Homiliya para sa Miyerkules ng Ika-5 Linggo ng Kuwaresma 9 Abril 2025 | Dn 2:14–20, 91–92, 95; Jn 8:31–42 Sapat na sana para

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IPAMUKHA

 2,848 total views

 2,848 total views Homiliya para sa Martes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, Bilang 21:4-9; Juan 8:21-30 Mula sa krus, isa daw sa mga huling salita na

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AT YUMUKO SIYA

 3,394 total views

 3,394 total views Homiliya para sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma, Ika-6 ng Abril 2025, Juan 8:1-11 Dalawang beses daw yumuko si Hesus. Una, nang iharap ang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKIUSAP

 4,043 total views

 4,043 total views Homiliya Para sa Huwebes sa Pang-Apat na Linggo ng Kuwaresma, 3 Abril 2025, Eksodo 32:7-14; Juan 5:31-37 Kung masakdal sa Korte ang isang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

THE FATHER WHO GOES OUT

 11,228 total views

 11,228 total views A Laetare Sunday Reflection on the Parable of the Prodigal Son (longer version)   Introduction: Rejoice, Return Home! Laetare Sunday – the Fourth

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AS YOURSELF

 5,936 total views

 5,936 total views Homily for Fri of the 3rd Wk of Lent, 28 Mar 2025, Mk 12:28-34 Love your neighbor AS YOURSELF. We often misread this

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

MATINIK

 9,689 total views

 9,689 total views Homiliya para sa Unang Linggo ng Kuwaresma, 9 Marso 2025, Lk 4:1-13 Pumasok na tayo sa panahon ng kuwaresma noong nakaraang Miyerkoles ng

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGLULUKSA AT PAG-AAYUNO

 8,656 total views

 8,656 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 7 Marso 20245, Mt 9:14-15 “Pwede bang MAGLUKSA ang mga bisita sa kasalan habang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top