347 total views
Binigyang diin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission On Social Action, Justice And Peace o Caritas Philippines na ang pagkakataong makaboto ng bawat mamamayan ay dapat na ituring na isang pambihirang biyaya o regalo mula sa Panginoon.
Sa ibinahaging opisyal na commission statement ni Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairman ng kumisyon ay iginiit ng Obispo ang kahalagahan ng maagang paghahanda ng lahat para sa papalapit na halalan.
Ayon kay Bishop Bagaforo na siya ring National Director ng NASSA/Caritas Philippines, ang matalinong paggamit ng bawat isa sa biyaya ng Panginoon na makapaghalal ng mga opisyal ng bayan ay dapat na ituring bilang isang pambihirang regalo at responsibilidad para sa bansa at sa susunod pang henerasyon.
Ipinaliwanag ng Obispo na sinasalamin ng boto ng bawat isa ang pagpapahalaga sa kapakanan at dignidad ng lahat na isang pundasyon ng panlipunang turo ng Simbahang Katolika.
“Voting is God’s gift to us and how we use that right is our gift to our country. Our choice reflects our values. It is an expression and affirmation of our human dignity, a foundational principle of Catholic social teaching. It is a precious right millions of people in the world do not enjoy. It is a fulfillment of one’s responsibility to participate in and influence the socio-political affairs of our nation.” bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.
Inihayag ng Obispo na kinakailangan ng bansa ang mga lider na may puso para sa tunay na paglilingkod at itinuturing ang bawat mamamayan na kawangis ni Hesus na dapat pahalagahan at ganap na paglingkuran.
Iginiit ni Bishop Bagaforo na maituturing na isang tunay na lingkod bayan ang isang halal na opisyal na bukod sa mayroong kaalaman at karanasan ay pinagsisikapan ibigay ang kabutihan sa bawat mamamayan.
Binigyang diin rin ng Obispo, na ang isang tunay na lider ng bayan ay dapat na magbigay daan patungo sa kaunlaran at kasaganahan ng bawat mamamayan na siyang plano ng Diyos para sa bayan.
“We deserve leaders with servant hearts who see Jesus in others and serve everyone selflessly. To be a true and working servant leader requires competence, experience, compassion, kindness, passion and perseverance. A functioning leader provides the direction and inspires God’s family to work tirelessly to help improve the condition of all Filipinos with preferential attention to the marginalized and excluded.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.
Pinangunahan ng Caritas Philippines ang paglulunsad ng Halalang Marangal 2022 Coalition.
Read: https://www.veritas846.ph/halalang-marangal-2022-coalition-inilunsad/