Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kaparian, hinimok na makiisa sa national retreat for priests

SHARE THE TRUTH

 3,120 total views

Paiigtingin ang bokasyon sa pagpapastol sa kawan ng Panginoon.

Ito ang layunin sa isasagawang National Retreat for Priests na inisyatibo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Clergy katuwang ang Archdiocese of Cebu.
Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma ito ang pagkakataong magkaisa ang mga pari sa pagninilay upang higit na maisabuhay ang misyon ni Hesus sa sanlibutan lalo na ang pagpapalalim sa pananampalataya ng mamamayan bilang bunga ng 500 Years of Christianity.

“We now turn once again to the Lord as we continue with this Synodal journey, in deepening and spreading the Faith that we have received. It is in this light that we spend these days of retreat and reflection on the Priesthood and the call to holiness.” bahagi ng mensahe ni Archbishop Palma.

Hiniling naman ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Vigilio David sa mga pari at relihiyoso sa bansa na dumalo at gamiting pagkakataon ang pagtitipong makiisa sa kapwa pari.

“The National Retreat for Priests provides a sacred space and an opportunity for us to gather as brothers in Christ, to support and encourage one another, and to delve deeper into the profound mysteries of our priestly vocation.” ani Bishop David.

Inaasahan ang 3, 000 delegado sa pagtitipon ng mga pari sa temang “Priesthood: A Call to Holiness” na gaganapin sa IEC Convention Center sa Cebu City sa November 7 hanggang 9, 2023.

Magbibigay panayam sa tatlong araw na pagtitipon si Sister Briege Mckenna ang may akda sa aklat na ‘Miracles Do Happen’ kasama si Spanish Priest Fr. Pablo Escriva de Romani.

Si Sr. Mckenna ay nakapagbigay ng retreat sa mga pari sa nakalipas na 50 taon sa 100 mga bansa sa buong mundo.

Dalangin ni Archbishop Palma na maging matagumpay ang patitipon upang matulungan ang mga lingkod ng simbahan na mapalalim ang bokasyong pagpapastol sa kawan.

“It is my prayer that you journey with us in this NRP 2023, and that these days be helpful, meaningful, and fruitful, as we carry on with joy in our priestly ministry.” ani ng arsobispo.

Ang NRP 2023 ay sa pakikpagtulungan din ng CHARIS Philippines at Marian Solidarity kaya’tmaaring makipag-ugnayan ang mga paring dadalo sa pagtitipon kay CHARIS National Coordinator Fe Barino sa 09173216717, kay Kathrina Buletin ang NRP 2023 General Secretariat chair sa numerong 09957662168 o mag-email sa [email protected].

Ibinahagi ni Barino na P2, 500 ang registration fee para sa kits, IDs, tanghalian at snacks ng mga dadalong pari gayundin ang pagsasaayos sa transportasyon patungo sa mga tutuluyan ng participants.
Sa datos ng CBCP nasa 11, 000 ang bilang ng mga pari sa bansa na nagpapastol sa mahigit 80 milyong katoliko.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 14,611 total views

 14,611 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 29,267 total views

 29,267 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 39,382 total views

 39,382 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 48,959 total views

 48,959 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 68,948 total views

 68,948 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Norman Dequia

Pagkakataon na makapag-aral sa EUROPA, inaalok ng EU

 3,822 total views

 3,822 total views Tiniyak ng European Union ang pagpapaigting sa mga programang makatutulong sa mga Pilipino tulad ng edukasyon. Umaasa si Dr. Ana Isabel Sánchez-Ruiz, Deputy Head of Delegation ng European Union Delegation to the Philippines na mas maraming Pilipino lalo na ang mga kabataan na makinabang sa Erasmus Mundus na isang programa ng EU. “The

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Diocese of Cubao, ipagdiriwang ang World of the Poor kasama ang mga dukha

 4,280 total views

 4,280 total views Magsasagawa ng programa ang Urban Poor Ministry ng Diocese of Cubao sa pagdiriwang ng 8th World Day of the Poor sa November 17. Ayon kay Ministry Coordinator Fr. Roberto Reyes,magbuklod ang diyosesis kasama si Bishop-elect Elias Ayuban, Jr. upang ipgdiwang ang natatanging araw na inilaan ng simbahan para mga dukha ng lipunan. Ibinahagi

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Buong simbahan sa Pilipinas, hinimok na makiisa sa Red Wednesday Campaign

 4,332 total views

 4,332 total views Inaanyayahan ng Pontifical Foundation Aid to the Church in Need (ACN) Philippines ang mamamayan na makiisa sa paggunita sa mga kristiyanong inuusig dahil sa paninindigan sa pananampalataya. Hinimok ni ACN Philippines President, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga simbahan at buong pamayanan na makilahok sa taunang Red Wednesday campaign sa November 27

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Katesismo sa paglilipat ng araw ng Solemnity of the Immaculate Conception, ipinag-utos ng CBCP

 4,395 total views

 4,395 total views Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang ng dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria sa December 9. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Liturgy Chairperson, Ilagan Bishop David William Antonio, dapat mabigyan ng wastong katesismo ang mananampalataya sa paglilipat ng petsa ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalatayan hinihikayat na lumahok sa red wednesday campaign

 6,127 total views

 6,127 total views Hinimok ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga nasasakupan sa arkidiyosesis na makilahok sa taunang Red Wednesday campaign. Ayon sa arsobispo mahalagang magbuklod ang kristiyanong pamayanan sa pagpaparangal at pananalangin sa kaligtasan sa mga kristiyanong biktima ng karahasan dahil sa pananampalataya. “Through this commemoration, we are called to deepen our compassion for those

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato

 6,595 total views

 6,595 total views Nilinaw ng Archdiocese of Manila na hindi ito mag-iendorso ng sinumang pulitiko sa nalalapit na halalan. Ayon kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula,bahagi ng pagpapastol bilang arsobispo ang paggawad ng espirituwal na paggabay sa mga taong naghahangad maglingkod sa bayan. “Ang pagtanggap ng Arsobispo ng Maynila sa mga bumibisitang kandidato sa kanyang tahanan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Church needs more vocation to the Priesthood

 6,689 total views

 6,689 total views Inaanyayahan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalataya na maging aktibong kabahagi ng simbahan sa paghimok sa kabataang piliin ang bokasyon ng pagpapari at buhay relihiyoso. Ito ang mensahe ng obispo sa paggunita ng simbaha sa National Vocation Awareness Month ngayong Nobyembre kung saan binigyang diin ang malaking tungkulin ng kristiyanong pamayanan sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, binalaan ni Bishop Pabillo sa fake online product endorsement

 6,693 total views

 6,693 total views Pinag-iingat ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan ang mananampalataya hinggil sa mga fake online product endorsements ni Bishop Broderick Pabillo. Batay sa napapanuod online lalo na sa social media platform Facebook may artificial intelligence (AI) generated video si Bishop Pabillo na nag-endorso ng herbal products. “Bishop Broderick Pabillo did not endorse any products

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Bishop-designate ng Diocese of Prosperidad, umaapela ng pagkakaisa

 6,724 total views

 6,724 total views Umapela ng pagtutulungan si Prosperidad Bishop-designate Ruben Labajo sa mananampalataya ng Agusan Del Sur kasabay ng paghahanda sa pormal na pagluklok ng bagong obispo at pagtalaga ng diyosesis. Ipinaalala ng obispo na mahalaga ang pagkakaisa upang matagumpay na maisagawa ang pagtatakda ng ika -87 diyosesis sa bansa. “Now that we are still preparing

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Jubilee year 2025, gamitin sa pagpapanibago ng buhay

 7,710 total views

 7,710 total views Hinimok ng Office for the Promotion of New Evangelization ang mananampalataya na gamiting pagkakataon ng pagpanibago ang 2025 Jubilee Year of Hope. Ayon kay Sta. Maria Goretti Parish Priest, OPNE Director Fr. Jason Laguerta, ang pagdiriwang ng hubileyo ay tanda ng pagpapalaya, pagbabayad ng utang at pagpapahinga kung saan sa pananampalataya ay pagpapadama

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Filipino Priest, itinalagang opisyal ng Vatican

 9,007 total views

 9,007 total views Muling nagtalaga ang Kanyang Kabanalan Francisco ng isang Pilipinong pari sa isa sa mga pangunahing tanggapan sa Vatican. Nitong November 7 ay itinalaga ng santo papa si Msgr. Erwin Jose Balagapo bilang undersecretary ng Dicastery for Evangelization section “for the first evangelization and new particular churches na kanyang pinaglingkuran mula July 2023 at

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Recommit ourselves to the mission of Christ, paalala ni Bishop Uy sa mga pari

 9,038 total views

 9,038 total views Umaasa si Tagbilaran Bishop Alberto Uy na mas umigting ang pagbubuklod ng kristiyanong pamayanan sa Bohol tungo sa iisang misyon na ipalaganap si Hesus sa lipunan. Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng diyosesis ng ika – 83 anibersaryo ng pagkatatag. Dalangin ni Bishop uy ang patuloy na pag-usbong ng komunidad na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa National Fatima Convention

 9,705 total views

 9,705 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima Philippines ang mananampalataya na makiisa sa National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion sa December 10, 2024. Ayon sa WAF Philippines na pinamunuan ni Sis. Ambrocia Palanca, layunin ng pagtitipon na paalalahanan ang mga deboto sa mahalagang mensaheng iniwan ng Mahal na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pasalamatan ang panginoon sa gift of priesthood, paalala ng Arsobispo sa mga Pari

 9,838 total views

 9,838 total views Pinalalahanan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga pari na palaging pasalamatan ang Panginoon sa biyaya ng bokasyong maging katuwang sa misyon sa sanlibutan. Ito ang mensahe ng arsobispo sa pagtitipon ng Young Clergy of Cebu Residency Program na ginanap sa St. Augustine of Hippo Parish sa Olango Island, Lapu-Lapu City, Cebu kamakailan.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkakaroon ng Missionary of Mercy sa Diocese of Kidapawan,inanunsyo ng Obispo

 10,307 total views

 10,307 total views Inanunsyo ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang pagkakaroon ng Missionary of Mercy ng kanilang diyosesis. Ayon sa Obispo, inaprubahan ni Pope Francis ang kahilingang magtalaga ng missionary of mercy na may natatanging misyong higit maipalaganap ang habag at awa ng Panginoon sa sanlibutan. Sa liham mula kay Dicastery for Evangelization Pro-Prefect of

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top