1,329 total views
Pinaalalahanan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mananampalataya na sa pagbubuklod ay makakamit ang tunay na kapayapaan sa lipunan.
Ito ang mensahe ng Arsobispo kasabay ng pagdiriwang ng publiko sa Kapistahan ng Sto. Niño o Sinulog Festival noong January 15.
Paliwanag ni Archbishop Palma na matatamo ang kapayapaan sa pakikiisa ng Diyos sa sanlibutan kung may pagkakasundo ang mamamayan.
“We are reminded of the more positive dimension f peace. It basically means it’s the harmonious relationship between kita ug Dios [tayo at ang Diyos], kita ug sa matag usa [ang isa’t isa], kita ug ang kalibutan [tayo at ang buong mundo],” bahagi ng mensahe ni Archbishop Palma.
Binigyang diin ni Archbishop Palma na bagamat kaloob ng Panginoon ang kapayapaan ay malaking tungkulin ito sa mamamayan na makamit.
“Peace is a gift of God and yet, peace is also a human construct. It is also a task. So, let’s try our very best to establish peace by establishing brotherly relationship with one another,” ani ng arsobispo.
Ikinagalak ng punong pastol sa halos limang milyong katoliko ng Cebu na makitang nagsama-sama ang mga deboto ng batang Hesus makalipas ang dalawang taong pagpaliban ng gawain bunsod ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ng opisyal na ang pagbubuklod ng pamayanan ay tugon din sa panawagan ng Santo Papa Francisco na synodality na layong pagkaisahin ang simbahan sa paglalakbay tungo sa landas na Hesus na walang naisasantabing sektor.