202 total views
Hiniling ng Prelatura ng Isabela de Basilan ngayong kaarawan ng Mahal na Inang Maria ang kapayapaan na mamayani sa Davao at sa buong bansa ngayong nasa ilalim pa rin ang bansa sa deklarasyon ng “state of national emergency.
Nag – alay ng panalangin si Bishop Martin Jumoad, obispo ng Basilan, para matamo na ang kapayapaan sa buong Mindanao at matanto ng mga rebeldeng grupo na ang pagpaslang ng tao ay laban sa Diyos.
Isinusuko rin ng Obispo sa mga kamay ni Maria ang kabanalan at pagbabalik loob ng mga terorista sa Diyos at makilala nilang muli ang paggalang sa dignidad ng buhay ng kanilang kapwa – tao.
“Almighty and ever – living God you sent your Son and Prince of Peace, give peace to Davao and the rest the entire Philippines. We know that there always in trouble situations we hope that the people realized that terrorists will realized that they are not doing good in terms of when they disturb peace. We pray also for the intercession of the Blessed Mother, may all gather together in the feet of Jesus. May the birthday of the Blessed Mother bring us closer to Jesus and her birthday make us all grow in holiness,” bahagi ng panalangin ni Bishop Jumoad sa panayam ng Veritas Patrol.
Samantala, hindi pa nangangalahati ang Philippine National Police sa imbestigasyon sa pambobomba sa Davao city noong Biyernes ng gabi na ikinasawi ng 14 na katao at halos 60 ang nasugatan at nasa malubhang kalagayan.
Ipinabatid rin ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, nasa 45 percent pa lang sila sa imbestigasyon dahil wala pa silang pangalan ng mga suspek, bagay na nagpapahirap sa paghanap ng mga sangkot sa Davao bombing.
Nauna na ring nag – alay ng pakikidalamhati ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa Archdiocese of Davao na batay naman sa mensahe ni Archbishop Romulo Valles ay muling makababangon ang kanilang Arkidiyosesis sa pamamagitan ng malalim na debosyon ng Dabawenos kay Maria.