21,174 total views
Inaprubahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang kahilingan ng Order of Augustinian Recollects – Province of St. Ezekiel Moreno na gawing Obligatory Memorial ang kapistahan ng santo sa liturgical calendar ng Pilipinas.
Ginugunita ng mga Rekoleto at mga deboto ang kapistahan ni St. Ezekiel Moreno tuwing August 19 ang araw ng kanyang kamatayan.
Kinilala ng mga misyonerong Rekoleto ang santo na may malaking ambag sa pananampalataya ng mga Pilipino makaraang magmisyon sa Pilipinas ng 15 taon.
Isa rin ang santo sa mga nagpalaganap ng kristiyanismo sa Palawan 400 taon ang nakalilipas nang pangunahan sa Puerto Princesa ang kauna-unahang Banal na Misa sa rehiyon.
Pinarangalan ni St. Ezekiel Moreno sa pagdiriwang ng 400 Years of Christianity sa Palawan noong nakalipas na taon.
Matapos ang misyon sa Pilipinas naitalagang obispo ang santo sa Diocese of Pasto sa Colombo at pumanaw noong 1906 dahil sa sakit na cancer.
Ganap na napabilang sa sampung libong mga banal ng simbahan si St. Ezekiel Moreno sa canonization rites na pinangunahan ni noo’y Santo Papa St John Paul II taong 1992 at itinalagang patron ng mga Cancer Patients.