Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kasakiman at mga kalamidad

SHARE THE TRUTH

 247 total views

Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Laudato Si’, binigyan-diin ni Pope Francis na ang pangangalaga sa kalikasan ay nangangailangan ng far-sightedness o pagsasaalang-alang sa ating hinaharap. Aniya, wala naman daw interes ang mga naghahanap lamang ng mabilis at madaling kita sa pagpapanatili ng kalikasan. Ngunit ang malinaw, ang halaga ng pinsalang bunga ng kasakiman at kawalan ng malasakit sa ating nag-iisang tahanan ay mas mataas sa economic benefits na matatamo mula sa pagsira dito. Aanhin natin ang mga benepisyong ito kung hindi na matitirhan ang ating planeta?

Ayon sa pag-aaral ng Christian Aid, isang NGO na nakabase sa United Kingdom, ang sampung pinakamatinding weather disasters nitong 2021 ay nag-iwan ng pinsalang nagkakahalaga ng 170 bilyong dolyar o mahigit 8.5 trilyong piso. Mas mataas ito ng 20 bilyong dolyar noong 2020. Kasama sa pinsalang iniwan nito ang pagkawala ng buhay ng mahigit sanlibong tao at paglikas ng 1.3 milyong katao. Kabilang sa mga kalamidad na ito ang matinding taglamig at mga bagyong nanalasa sa Amerika at malawakang pagbaha sa Europa.

Hindi pa nakasama sa assessment ng Christian Aid ang pinakahuling bagyong tumama sa ating bansa bago mag-Pasko. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, umabot na sa halos 400 na ang namatay at 60 ang hindi pa rin natatagpuan, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council. Nasa apat na bilyong piso ang halaga ng pinsala sa imprastraktura, at tatlong bilyong piso naman ang halaga ng mga nasirang pananim. Libu-libong pamilya pa rin ang walang bahay.

Masaklap na ang mga datos na may kinalaman sa mga kalamidad ay madaling makalimutan o hindi naman sineseryoso. Nananatiling numero ang mga biktima. Nananatiling kwenta ang mga halaga ng pinsala. Ang mga kuwento ng pagkawala at pagkasira, ilang araw lang mapag-uusapan sa media, pero pagkatapos ng mga ito, balik tayo sa dati. Palagi nating naririnig ang mga ekspertong nagsasabing ang nangyayaring mga kalamidad ay bunga ng climate change, ngunit hanggang ngayon, lalo na rito sa atin, kulang na kulang pa rin ang ginagawa ng kinauukulan upang ibsan ang mga epekto nito.

Ngunit gaya nga ng sinabi ni Pope Francis, ang ugat ng nararanasan nating mga kalamidad ay nagmumula rin sa pagkasakim ng iilan sa salapi. Bagamat totoong ang bawat isa sa atin ay may ambag sa climate change, na nagdudulot ng mas mapaminsalang mga bagyo at kalamidad, huwag nating kalimutang mas malaki ang pananagutan ng mga korporasyon at industriyang ang tanging hanap ay agarang kita kahit pa ang kapalit nito ay ang pagkasira ng kalikasan at, sa huli, ang buhay at kabuhayan ng mga mahihirap.

Makapangyarihan ang mga negosyong ito, at ginagamit nila ang kanilang impluwensya upang ang mga patakaran ng mga pamahalaan ay kumiling at proteksyunan ang kanilang mga interes. Ang mga nasa pamahalaan naman, madali ring masilaw sa perang suhol sa kanila ng mga nagnenegosyo. O kaya naman, ang mga nasa pulitika mismo ang may-ari ng mga negosyong ito. Sabi nga, may mga taong sa halip na mahalin nila ang kanilang kapwa gamit ang kanilang yaman, mas mahal nila ang kanilang yaman at ginagamit nila ang kanilang kapwa. Nitong nakaraang linggo, nalaman nga nating inalis na ng pamahalaan ang ban sa open pit mining na lubhang nakasisira sa ating kalikasan. Para daw ito sa pagsiglang muli ng ating ekonomiya.

Mga Kapanalig, paalala nga sa Mateo 6:24, “Hindi ninyo maaaring paglingkuran nang pareho ang Diyos at ang kayamanan.” Ang mga nangyayaring kalamidad ay may kaugnayan sa mga gawain ng taong kayamanan ang pinaglilingkuran. Mahirap ngunit kaya nating labanan ang kasakiman kung bukás lamang ang ating mga mata at maninindigan at kikilos para sa ikabubuti ng ating kapwa at ng nag-iisa nating tahanan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 44,340 total views

 44,340 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 55,415 total views

 55,415 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 61,748 total views

 61,748 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 66,362 total views

 66,362 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 67,923 total views

 67,923 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 44,341 total views

 44,341 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 55,416 total views

 55,416 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 61,749 total views

 61,749 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 66,363 total views

 66,363 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 67,924 total views

 67,924 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 44,021 total views

 44,021 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,682 total views

 66,682 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 72,258 total views

 72,258 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,739 total views

 77,739 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,852 total views

 88,852 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,851 total views

 84,851 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 72,553 total views

 72,553 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 81,035 total views

 81,035 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 74,094 total views

 74,094 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 81,018 total views

 81,018 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top