566 total views
Ito ang binigyang diin ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles – Chairman ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs sa paglulunsad ng national campaign na “Piglas Batangas,Piglas Pilipinas! Isang Anti Coal fired Power Plants campaign.
Inihayag ng Arsobispo na dahil sa paglaganap ng kasakiman at kawalang paki-alam sa kapwa ay dumaranas ng magkakaakibat na suliranin ang bansa.
“Sabi ng ating Santo Papa ang dahilan ng kahirapan, dahilan din ng pagsira ng ating kalikasan ay ang kasakiman at tinatawagan tayong lahat to develop it [the environment] and make it even more beautiful as God wants it, at ang higit na makikinabang sa mas magandang kalikasan ay yung mga malapit d’yan, ang mga nagpo-provide sa atin ng pagkain.” Pahayag ni Abp. Arguelles
Hinamon naman ni Archbishop Arguelles ang pamahalaan na huwag itanggi, harapin, at tugunan ang lumalalang epekto ng climate change sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang programang magpapatingkad sa kakayahan ng mga Filipino.
“I think we will solve hunger, poverty, hindi sa pamamagitan ng pagpatay sa hindi pa isinisilang, hindi sa pamamagitan nung industriya na sumisira sa kapaligiran, kundi sa pamamagitan ng pagbibigay ng kakayahan para sa lahat ng tao para maging productive sila in the right way.”Dagdag pa ng Arsobispo
Ang kampanyang “Piglas Batangas! Piglas Pilipinas! Break Free from Fossil Fuels ay inisyatibo ng Lipa Archdiocesan Ministry on Environment na layuning ipasara ang lahat ng Coal Fired Power Plants sa buong bansa at palitan ito ng Renewable energy sources.
Dahil sa 17 Coal Fired Power Plants na kasalukuyang nakatayo sa bansa, lumabas sa ulat ng Center for Global Development na ang Pilipinas ay pang 32 sa limampung mga bansang may pinaka mataas na carbon emission, kung saan naiulat na umabot sa 35,900,000 ang carbon o maruming hangin na ibinubuga ng mga planta sa Pilipinas kada taon.
Sa Encyclical namang Laudato Si, hiniling ng Santo Papa Francisco sa bawat pinuno ng iba’t ibang bansa na palitan ng renewable resources ang Fossil fuels na pinagmumulan ng maruming usok na s’yang nagpapainit sa mundo.