372 total views
Kinatigan ng isang Opisyal ng Simbahan ang pag-aaral ng Royal Stoke Hospital Department of Cardiology, in Stoke-on-Trent sa Britain na nakabubuti sa kalusugan ang Kasal.
Ayon kay Rev.Father James Andrew Castillo, SOLT, Program Creator ng Radio Veritas Asia, hindi lamang sa aspetong Emosyonal nakatutulong ang Pagpapakasal, ito rin ay nakakatulong na mapabuti ang Pisikal na kalusugan ng isang tao.
“Nakakatulong po talaga ang kasal sapagkat ang usual or ordinary na reason kung bakit nagpapakasal ang isang tao kung tatanungin mo ay not only because they love their partner but because of security (physical and spiritual), trust, self-fulfillment” pahayag ni Fr. Castillo sa Radio Veritas.
Iginiit ni Father Castillo na ang pagiging kasal ng Mag-asawa ay nagdudulot ng maayos na kalusugan.
“They might grow integrally as human beings – that means, kasal leads you to become a healthier tao in a whole.” Paliwanag ni Fr. Castillo.
Nakakatulong naman ang tamang pakikitungo ng Mag-asawa sa isa’t isa hindi lamang sa Emosyonal na aspeto kundi pati na rin sa kabuuan ng kanilang pagkatao.
Nabatid sa isang pag-aaral na ginawa ng Royal Stoke Hospital Department of Cardiology na isang salik ang Kasal sa pagpapabuti sa kalusugan ng isang tao.
Sinasabi sa pag-aaral na 42-porsiyento ng mga tao na hindi Kasal, Diborsiyado at wala nang katuwang na asawa ay mas madaling magkaroon ng mga Cardiovascular Disease.
Samantala, 16-porsiyento naman na hindi kabilang sa mga buhay may asawa ay kadalasang nagkakaroon ng Coronary Heart Disease.
Ang panganib ng pagkamatay mula sa Coronary Heart Disease para sa mga tao na hindi pa Kasal o Diborsiyado ay tumaas ng 42-percent.
Ang Risk factors gaya ng katandaan, High blood pressure, Diabetes at mataas na Cholesterol at maging Paninigarilyo ay ang bumubo sa 5-porsiyento na dapat iwasan para hindi na mauwi pa sa Cardiovascular Disease ang karamdaman.
Base sa mga bilang na ito, masasabi na ang estado ng Kasal ng isang tao ay isang salik na dapat isaalang-alang sa kalagayan ng kanyang kalusugan.