503 total views
Ito ang inihayag ni Living Laudato Si Philippines Executive Director Rodne Galicha kaugnay sa pagsasara ng mga sementeryo sa bansa sa paggunita ng Todos Los Santos sa gitna ng patuloy na krisis dulot ng Coronavirus Pandemic.
Ayon kay Galicha, ang katawan ng tao ay tahanan ng Banal na Espiritu kaya’t maituturing na kasalanan kapag hindi ito napangalagaan ng maayos lalo na ngayong panahon ng pandemya.
“But if we will not take care of our physical health as a human person, which is a temple of the Holy Spirit, kasalanan din ‘yun na ‘di natin pinanatili yung kalusugan natin.”, ang bahagi ng pahayag ni Galicha sa panayam ng Radio Veritas.
Samantala, bilang bahagi na rin ng pangangalaga sa kalusugan at pag-iingat na mahawaan ng virus, hinikayat ni Galicha ang mga mananampalataya na patuloy na alalahanin ang mga yumao kahit na hindi makadalaw sa mga puntod nito sa mismong Todos Los Santos.
Ito ay sa pamamagitan ng pagsisindi at pagtitirik ng kandila sa mga altar ng tahanan, pagdarasal ng Santo Rosaryo at ang pag-aalay ng panalangin.
“So we can actually still pray for our sisters & brothers, kahit nasa bahay lang tayo. Pwede naman tayong mag-siga ng kandila, magrosaryo tayo at manalangin tayo. At meron namang syempre ay ang importante ay naaalala natin sila hindi man natin sila mapuntahan sa sementeryo.”, ayon kay Galicha.
Naunang hiniling ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, sa mananampalataya na sumunod at makiisa sa panawagan ng pamahalaan na iwasan ang pagtungo sa mga sementeryo sa paggunita ng mga yumaong mahal sa buhay.
Read: https://www.veritas846.ph/archdiocese-of-manila-naglabas-ng-pastoral-letter-para-sa-undas/