Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kasarinlan ng lehislatura

SHARE THE TRUTH

 490 total views

Mga Kapanalig, isang matimbang na katangian ng isang demokrasya ang tinatawag natin sa Ingles na “separation of powers” ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan. Ang sangay ng ehekutibo na binubuo ng pangulo, ng kanyang gabinete, at mga departamentong pinatatakbo nila ay siyang madalas ituring na pinakamakapangyarihang sangay sa ating sistema ng pamamahala. Ang ikalawang sangay naman ay ang lehislatura na binubuo ng Kongreso at Senado at siyang gumagawa ng mga batas na dapat ay ipinatutupad ng buong pamahalaan at sinusunod ng mga mamamayan. Ang ikatlong sangay ay ang hudikatura na humuhusga kung mayroong naganap na paglabag sa batas at nagbibigay-linaw sa iba’t ibang interpretasyon ng batas.
Sa isang demokrasya, ginawang magkakahiwalay ang mga gawain at kapangyarihan ng tatlong sangay na ito upang maaring maiwasto ang kilos ng isang sangay kung ito man ay maging mapagmalabis sa kanyang kapangyarihan o kaya’y mapang-api sa taumbayan. Tinatawag ito sa Ingles na pagkakaroon ng “checks and balances,” isa pa ring matibay na prinsipyong sinusunod sa isang demokrasya upang protektahan ang kapakanan ng mga mamamayan.
Ang katuruan ng ating Simbahan ay pinapanigan at sinasang-ayunan ang prinsipyong ito ng paghahati-hati ng mga kapangyarihan ng estado. Sa pananaw ng Simbahan, ang ganitong sistema ay higit na mapangangalagaan ang tinatawag nating rule of law o ang pagtitiyak na ang nasusunod ay ang batas at hindi ang kagustuhan lamang ng namumuno.
Sa usapin ng pagbabalik ng parusang kamatayan para sa ilang mga piling krimen, may isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ang nagsabing bagama’t marami sa kanila ay hindi sang-ayon sa pagbabalik ng parusang bitay, ang mga ito ay mapipilitang bumoto nang sang-ayon sa panukalang ibalik ang parusang kamatayan. At bakit, mga Kapanalig? Sinabihan raw sila ng liderato ng Kamara na ang hindi bumoto ng pagsang-ayon sa panukalang batas ay hindi makatatanggap ng pondo para sa mga proyekto ng kanilang distrito. Kung wala silang pondo at walang proyekto, paano nga naman sila mananalo sa susunod na eleksyon? Samakatuwid, mga Kapanalig, boboto ang mga kongresista nang sang-ayon sa panunumbalik ng parusang bitay hindi dahil sa dikta ng kanilang konsensya, o dahil sa ito ang gusto ng mga kinakatawan nila, kundi dahil ito ang kagustuhan ng pangulo.
Kung totoo ang isiniwalat ng kongresista, ano ang sinasabi nito tungkol sa ating demokrasya? Mayroon nga ba tayong tunay na separation of powers at checks and balances?
Marami ngang nagsasabing lubhang napakamakapangyarihan ng pangulo sa ating sistema ng gobyerno dahil kontrolado niya ang pondo ng mga mambabatas para sa kanilang mga proyekto. Sa ilalim ng ganitong kalakaran, hindi mahirap isiping magiging sunud-sunuran sa ehekutibo ang kongreso sa maraming mga mahahalagang usapin. Kung wala nang sariling desisyon ang mga mambabatas, maituturing pa bang tunay na demokratiko ang pagpapatakbo ng ating gobyerno? Hindi kaya lubhang mapanganib ang ganitong sitwasyon lalo na kung ang ehekutibo ay hindi kumikilala ng hangganan ng kanyang kapangyarihan at wala pang makapipigil sa kanya?
Ngunit ang totoo, mga Kapanalig, nakasalalay din naman sa ating mga mamamayan kung ano ang dapat gawin ng ating mga kinatawan sa Kongreso. Kahit na nakapasá na ang panukalang batas sa second reading, tanungin natin ang ating mga sarili: Ano ang ating posisyon sa pagbabalik ng parusang bitay? Anuman ang paninindigan natin, dapat ipabatid natin ito sa mga mambabatas upang ito ang kanilang dalhin sa kanilang pagboto. Kaya ba nating sabihin sa ating kinatawan, “Sundin mo kami at tutulan mo ang pagbabalik ng parusang bitay at tutulungan ka naming makuha ang pondo para sa proyekto ng ating distrito”? Kaya ba natin ang ganitong uri ng “people power” na naninindigan sa utos ng Diyos laban sa pagpatay at ipinagtatanggol ang kasarinlan ng ating lehislatura upang ang nais ng mga mamamayan, at hindi ng pangulo lamang, ang siyang manaig?
Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 32,109 total views

 32,109 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 46,765 total views

 46,765 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 56,880 total views

 56,880 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 66,457 total views

 66,457 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 86,446 total views

 86,446 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 32,110 total views

 32,110 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 46,766 total views

 46,766 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 56,881 total views

 56,881 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 66,458 total views

 66,458 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 86,447 total views

 86,447 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,808 total views

 48,808 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,833 total views

 43,833 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,402 total views

 47,402 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,857 total views

 59,857 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,924 total views

 70,924 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,243 total views

 77,243 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,854 total views

 81,854 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,414 total views

 83,414 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,975 total views

 48,975 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,522 total views

 69,522 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top