Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kasiyahang kapalit ng inosenteng buhay?

SHARE THE TRUTH

 201 total views

Mga Kapanalig, maliban siguro sa mga kababayan nating naapektuhan ng Bagyong Nina sa Bikol at mga kapatid nating nawalan ng bahay dahil sa malaking sunog sa Quezon City, maraming Pilipino ang masayang sinalubong ang taóng 2017. Hindi pa rin nawala ang nakasanayan ng ilan sa ating magpaputok, sa paniniwalang itinataboy ng mga ito ang malas sa ating buhay.

May ilan namang sa halip na mga paputok o firecrackers ang sindihan, baril ang kanilang ginamit sa pag-iingay. At kasabay ng pagpasok ng bagong taon ang nakakalungkot na balita tungkol sa mga tinamaan ng ligaw na bala o stray bullet. Dito sa Metro Manila, tatlong kaso ang naitala, at dalawa sa kanila ay mga bata.

Kamakailan, isa sa mga biktima ng walang saysay na pagpapaputok ng baril ang binawian ng buhay. Si Emilyn Villanueva Calano, labinlimang taong gulang at iskolar, ay nanonood lamang ng mga pailaw o fireworks sa labas ng kanilang bahay sa Malabon nang siya ay tamaan ng bala. Tatlong araw siyang na-comatose. Hindi nagawang tanggalin ng mga doktor ang bala sa kanyang ulo dahil sa maselan niyang kalagayan, at noong Miyerkules ng gabi ay pumanaw si Emilyn. Bagama’t bigong maglabas ng kautusan ang pamahalaan upang tuluyan nang i-ban ang paggamit ng paputok sa tuwing sasapit ang bagong taon, ninais na lamang ng PNP at DOH ang zero casualty sa pagsalubong ng bagong taon; hindi ito natupad sa pagkamatay ni Emilyn.

Bakit nga ba may mga kababayan tayong nagpapaputok ng baril kapag bagong taon? Hindi pa ba sapat ang pag-iingay gamit ang mga torotot at ang mga pampublikong fireworks display? Kailangan bang may buhay na maging kapalit ang ating kasiyahan?

Sinasalamin ng iresponsableng paggamit ng baril—kahit pa sa panahon ng kasiyahan gaya ng pagdiriwang ng bagong taon—ang pagkiling ng ilan sa atin sa karahasan. Ang pagkamatay ni Emilyn, gayundin ng ibang mga inosenteng batang biktima ng ligaw na bala, ay masakit at masaklap na paalaala sa atin tungkol sa kawalan ng saysay ng karahasan. Sa maraming bahagi ng daigdig, mga bata ang pinakaapektado ng karahasan, karahasang nag-uugat sa pagkamakasarili ng tao. Buhay at kinabukasan ng mga bata ang isinasakripisyo ng mga taong ginagamit sila upang kumita sa prostitusyon, sapilitang paggawa, at pagtutulak ng droga. Ang mga pangrap ng mga bata ang ninanakaw ng mga digmaan. Nakalulungkot na dito sa atin, ang mga gawing katulad ng pagpapaputok ng baril sa ngalan ng kasiyahan at tradisyon ay nagiging dahilan ng kanilang maagang kamatayan.

Sa isang sulat noong Kapistahan ng mga Sanggol na Walang Malay o Niños Inocentes, inanyayahan ni Pope Francis ang mga obispo na sa kanilang pagninilay sa imahe ng sanggol sa sabsaban ay mapagnilayan rin nila ang hapis ng mga nagdurusa, na masdan at pakinggan ang nagaganap sa kanilang paligid, at buksan ang kanilang mga puso sa pighati ng mga tao, lalo na sa gitna ng mga masasakit na pangyayaring ang biktima ay mga bata.

Ito rin po ang tawag sa ating lahat. Sa masaklap na sinapit ni Emilyn, hindi tayo dapat magbingi-bingihan sa tawag ng katarungan. Huwag tayong maging manhid sa sakit na nararamdaman ng kanyang pamilya. Sikapin nating pangalagaan ang mga bata laban sa mga nagnanakaw ng kanilang saya, kamusmusan, at buhay. Ipanalangin nating mabilis na mabigyan ng hustisya si Emilyn at ang iba pang katulad niyang namatay dahil sa iresponsableng paggamit ng baril ng mga taong sariling kasiyahan lamang ang inisip. Panawagan sa ating pamahalaan: mas paigtingin pa sana ang pagkontrol sa pagkakaroon at paggamit ng mga baril ng mga mamamayan.

Mga Kapanalig, huwag nating hayaang manakaw ang saya, dignidad, at mismong buhay ng ating kapwa, lalo na ng mga bata, sa ngalan lamang ng pagsunod sa mga baluktot na paniniwala.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Moral conscience

 7,186 total views

 7,186 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 14,309 total views

 14,309 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 21,512 total views

 21,512 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 26,866 total views

 26,866 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 34,472 total views

 34,472 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 7,187 total views

 7,187 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 14,310 total views

 14,310 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 21,513 total views

 21,513 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 26,867 total views

 26,867 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 34,473 total views

 34,473 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 34,149 total views

 34,149 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 73,731 total views

 73,731 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 81,285 total views

 81,285 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 77,168 total views

 77,168 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng mga Baybaying Komunidad

 88,715 total views

 88,715 total views Bilang arkipelago, tayo ay napapaligiran ng mga katubigan. Ang ating mga dalampasigan ay hindi lamang nagtataglay ng likas na kagandahan, nagsisilbi ring silang pangunahing kabuhayan ng maraming komunidad. Ang mga baybaying komunidad ay umaasa sa karagatan para sa kanilang ikinabubuhay, mula sa pangingisda, pag-aalaga ng mga yamang-dagat, hanggang sa turismo. Subalit, ang kanilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Seniors

 92,822 total views

 92,822 total views Ang mga nakakatanda o senior citizens ay isang mahalagang bahagi ng ating lipunan. Sila ay ating mga haligi ng pamilya na nagtaguyod ng mga henerasyon. Hindi matatawaran ang kanilang naging ambag sa sa kasaysayan at pag-unlad ng bansa. Sa kabila ng kanilang kahalagahan, ang mga senior citizens sa Pilipinas ay nahaharap sa iba’t

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sanitasyon

 69,719 total views

 69,719 total views Ang sanitasyon ay isang mahalagang aspeto ng kalusugan ng tao na may direktang epekto sa kalidad ng buhay ng mamamayan at public health. Dito sa ating bayan, ang sanitasyon ay malaking hamon lalo pa’t marami sa ating mga komunidad ay may limitadong access na malinis na tubig at maayos na palikuran. Alam mo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Leptospirosis: problema sa pag-uugali o pagbabaha?

 69,687 total views

 69,687 total views Mga Kapanalig, matapos ang malalakas na ulan at malalang pagbaha dala ng bagyo at habagat noong Hulyo, dumami muli ang kaso ng leptospirosis sa bansa. Sabi ng Department of Health (o DOH) noong nakaraang linggo, mahigit 2,100 na kaso na ang naitala mula sa simula ng taon hanggang noong Agosto 3. Bagamat mas

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

We deserve better

 69,038 total views

 69,038 total views Mga Kapanalig, sa isang open letter o sulat bilang pasasalamat sa mga nagpahayag ng pagsuporta sa kanya matapos niyang sabihing may mga banta sa kanyang kaligtasan, hindi pinalampas ni Vice President Sara Duterte ang pagkakatong pasaringan ang gobyerno. Pinuna niya ang pamahalaan dahil hinahayaan daw nitong magutom, mabuhay sa kahirapan, at mabiktima ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

World Humanitarian Day

 62,571 total views

 62,571 total views Mga Kapanalig, ngayon ay World Humanitarian Day. Paano nagsimula ito? Sa araw na ito noong Agosto 2003, o mahigit dalawang dekada na ang nakaraan, 22 na humanitarian aid workers ang nasawi sa pambobomba sa United Nations Headquarters sa Baghdad, Iraq. Limang taon pagkatapos ng trahedyang iyon, idineklara ng United Nations General Assembly ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top