775 total views
Hinimok ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itenerant People ang bawat botante na gawing huwaran ang mga katangiang taglay ni San Jose Manggagawa sa pagpili ng mga kandidatong ihahalal sa nakatakdang Midterm Elections.
Ito ang bahagi ng pagninilay ni Balanga Bishop Ruperto Santos- Chairman ng kumisyon sa paggunita ng Labor Day sa unang araw ng Mayo na siya ring araw ng Kapistahan ni San Jose Manggagawa.
Partikular na tinukoy ng Obispo ang tatlong katangian ni San Jose na pagiging matapat, masipag at marangal na naaangkop ring katangian na dapat taglayin ibobotong kandidato.
“Let me share with you my short reflection about Saint Joseph. The universal Church dedicates May 1 to Saint Joseph. We call him, the Worker. As we are twelve days before national election, let us look up to Saint Joseph, pattern our vote with his characters. And for me there three things: these are matapat, masipag at marangal.” pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.
Paliwanag ng Obispo, ang mga opisyal ng bayan ay dapat na maging tulad ni San Jose sa pagiging matapat na tagasunod sa tungkuling iniatas ng Panginoon at taongbayan.
“Saint Joseph is faithful to God. He listens to God. And he obeys Him (cfr. Matthew 1,24). Like him, let us decide and choose someone who look up to God, who honor God and follow His commandments.” Dagdag pa ni Bishop Santos.
Bukod dito, mahalaga rin ayon kay Bishop Santos na tulad ni San Jose ay masipag at matiyaga rin ang mga mapipiling ihalal na mga bagong opisyal ng bayan na handang magsakripisyo ng kanilang sarili upang maisakatuparan ang mas makabubuti para sa mas nakararami.
“Saint Joseph is industrious, hardworking. Think of those who will really work for our own good, not for certain person nor for political party; willing to spend his own money and energy to make lives better, and to enrich himself nor to favor his own family.” Giit ni Bishop Santos.
binigyang diin ni Bishop Santos na mahalagang matiyak na gaya ni San Jose ay marangal rin ang mga magsisilbing bagong opisyal ng bansa na handang gawin ang tama sa kabila ng ano pa mang mga pagtuligsa o pagsubok.
Giit ng Obispo, dapat na kilatisin ng bawat botante kung sino ang mga kandidato na tunay na magsusulong sa kapakanan ng bawat mamamayan kabilang na ang pagbibigay proteksyon sa bawat isa at magsusulong sa kasagraduhan at kahalagahan ng buhay ng bawat nilalang.
“He (Saint Joseph) was willing to suffer for them and served them well. As you go the polling places, pray to Saint Joseph and think of him, as marangal, and select someone who will dehuminize, will not belittle someone. Like Saint Joseph, decide for that someone who will protect and promote life, will respect and value life.” Paliwanag ni Bishop Santos.
Samantala, bukod sa nakatakdang May 13, 2019 Midterm Elections sa bansa ay tinututukan rin ni Bishop Santos ang isang buwang Overseas Absentee Voting sa iba’t ibang bansa na nagsimula noong ika-12 ng Abril at magtatapos hanggang sa ika-13 Mayo.
Matatandaang nauna ng umapela ang Obispo para sa aktibong pakikibahagi ng mga overseas absentee voters na inaasahang malaki ang maaring maging epekto sa kabuuang resulta ng halalan.
Batay sa tala ng Commission on Elections (COMELEC) may aabot sa 1.8-milyon ang rehistradong overseas absentee voters na binubuo ng mga OFW na naninirahan at naghahanap buhay sa iba’t ibang bansa na karamihan ay matatagpuan sa Saudia Arabia, United States, Singapore at Hong Kong.