225 total views
Katapatan at dedikasyon sa Panginoon, paalala sa Year of the Clergy and Consecrated Persons
Alalahanin ang katapatan at dedikasyon sa pananampalataya ang hamon ng pagdiriwang ng Year of the Clergy and Consecrated Persons.
Ayon kay Fr. Eugene Fadul, chancellor ng Diocese of San Pablo, ito ang hamon ng pagdiriwang ngayong taon bilang paghahanda sa hubileyo ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas na ipagdiriwang sa 2021.
“The essence of the life of a priest or a clergy and a consecrated person is the consecration to Christ, that fidelity to Christ. Napakagandang taon ito, bagama’t ito ay nakafocus sa aming mga pari sa mga religious pero ito rin ay nagpapaala sa mga layko na sa buhay natin bilang krisityano na napakahalaga ng pananampalataya at dedikasyon ng ating buhay sa Diyos,”
Giit pa ng pari, ang panawagang ito ay hindi lamang sa mga pari at mga relihiyoso kundi maging sa mga layko sa kanilang katapatan sa pananampalataya na magdadala sa bawat isa sa katapatan.
“Ito ang magdadala sa atin sa kabanalan, kaya sa pagdiriwang ng Year of the Clergy and Consecrated Persons ay hindi lamang mga pari kundi lahat ng mga binyagan ay tinatawagan na maging banal through faithfulness and dedication to Christ,” ayon kay Fr. Fadul.
Mula sa 86 milyong katoliko sa Pilipinas 99 na porsiyento ay pawang mga layko habang ang isang porsiyento lamang ang pari o ang mga nagtalaga ng kanilang buhay sa Panginoon.