Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 79,399 total views

Mga Kapanalig, pinabulaanan ng Philippine National Police (o PNP) ang mga umuugong na destablization plot laban kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Inatasan na ng pamunuan ng PNP ang Anti-Cybercrime Group nito para imbestigahan ang pinagmulan ng tinawag nitong tsismis, at para kilalanin ang mga tao o grupong nasa likod nito. Kumalat kasi kamakailan sa social media ang post kung saan makikita ang larawan ni PNP Chief Benjamin Acorda at Armed Forces of the Philippines (o AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner na kasama ang panawagan sa presidenteng bumaba sa kanyang puwesto. Fake news ito, giit ng PNP.

Matatandaang noong Nobyembre ng isang taon nang tila nagpahiwatig si General Brawner na may mga nagpaplanong patalsikin sa puwesto si PBBM. Hindi man siya kasama sa mga sinasabing nasa likod ng planong ito—katulad ng ipinahihiwatig sa mga kumalat na post kamakailan—pinaalalahanan niya noon ang mga sundalong huwag sumali sa anumang destablization plot. Umapela rin siya sa mga nais paalisin at palitan ang presidente na huwag nang idadamay ang mga active personnel ng AFP. Sinabi rin niyang mga dating opisyal ng AFP ang nagsusulong ng kudeta. Kalaunan, nilinaw ng tagapagsalita ng AFP na walang destabilization plot laban sa kasalukuyang administrasyon, at namali lamang daw ang media sa pagkakaintindi sa mga sinabi ni General Brawner.

Gaya ng paalala ng PNP, maging maingat tayo sa mga nababasa natin sa social media. Huwag nating agad na paniwalaan at ipakalat ang mga ito. Huwag tayong maging instrumento ng misinformation o panlilito sa ating kapwa.

Gayunman, subaybayan pa rin natin ang mga balitang idinadawit ang ating mga pulis at sundalo sa mga planong nagpapahina sa ating demokrasya. Sa ating kasaysayan, ilang beses nang nagkaroon ng pagkilos laban sa pamahalaan, partikular na ang mga pinangunahan ng mga miyembro ng militar. Ang mga umuugong ngayong destabilization plot ay nag-uugat umano sa mga hinaing ng mga retiradong sundalo at mga opisyal. Ayon kay dating Senador Antonio Trillanes, isang dating sundalo na nanguna rin sa mga pagkilos laban sa pamunuan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, karamihan sa mga sinasabing nasa likod ng mga kontra kay PBBM ay maituturing na malapít kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Hindi raw sila pabor sa mga planong repormahin ang sistema ng pensyon para sa mga uniformed personnel. Tutol din daw sila sa kabukasan ng kasalukuyang administrasyon na magkaroon ng peace talks sa mga rebeldeng grupo.

Kung may mga lehitimong hinaing sila, sana ay iparating nila ang mga ito sa tamang paraan. Kung naniniwala silang ang taumbayan ang madedehado sa mga ginagawa ng administrasyon sa usaping panseguridad at pangkapayapaan, baka makatulong kung isasapubliko nila ang kanilang mga mungkahi. Ngunit kung kumikilos sila nang pailalim at idinadamay pa ang mga nasa aktibong serbisyo, hindi maiiwasang isiping interes ng iisang tao, pamilya, o grupo ang kanilang isinusulong at ipinagtatanggol.

Sa ating kapulisan at kasundaluhan—aktibo man o wala na sa serbisyo—nawa’y manaig ang inyong katapatan sa ating bayan. Malinaw sa ating batas at sa mga umiiral na panuntunan sa ating mga lingkod-bayan na hindi sila dapat nasasangkot sa pamumulitika. Kapag ang kanilang katapatan ay nasa isang tao, imposibleng umiral ang kapayapaan sa ating bayan. Kaakibat ng pagkilos sa kapayapaan, pagdidiin sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan, ang pag-iwas sa paglaganap ng pagkakahati-hati, ang pagtatanggol sa katotohanan, at ang paggawad ng katarungan sa lahat.

Mga Kapanalig, ang ating mga lingkod-bayan, kabilang ang mga pulis at sundalo, sana ay maging “mga lingkod [din] ng Diyos para sa ikabubuti natin,” wika nga sa Roma 13:4. Hangarín sana nila ang tunay na kapayapaan, kumilos nang ayon sa katotohanan, at manatiling tapat sa bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 33,724 total views

 33,724 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 48,801 total views

 48,801 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 54,772 total views

 54,772 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 58,955 total views

 58,955 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 68,236 total views

 68,236 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 33,725 total views

 33,725 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 48,802 total views

 48,802 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 54,773 total views

 54,773 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 58,956 total views

 58,956 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 68,237 total views

 68,237 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 50,794 total views

 50,794 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 49,039 total views

 49,039 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 99,347 total views

 99,347 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 108,815 total views

 108,815 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 80,235 total views

 80,235 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 86,494 total views

 86,494 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 100,811 total views

 100,811 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 86,178 total views

 86,178 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 73,769 total views

 73,769 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 86,371 total views

 86,371 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top