423 total views
Ipinananalangin ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na makakamit pa rin ng mga mahihirap na inakusahan ng maling paratang ang tunay na katarungan.
Ito ay sa pag-alala ng Obispo sa kaso ng Alegre Family mahigit labing-pitong na taon na ang nakakalipas matapos akusahan at makulong ang mag-asawang Jesus at Moreta Alegre kasama ang kanilang anak na si Selman sa akusasyon ng pagpaslang sa bodyguard ng landlord na umaangkin ng kanilang lupang sakahan.
“We pray that like others with more means, they would be expediently granted release. We still hold on to hope that our justice system works and cares for those who have less in life!,” ayon kay Bishop Alminaza.
Noong nakalipas na taon nang dahil sa COVID-19 ay nasawi na si Jesus Alegre kung saan nanatili sa bilangguan ang kaniyang mag-inang sina Moreta at Selman.
Pagbabahagi ng Obispo, ang kaso ng Pamilya Alegre ay ilan lamang sa mga pangyayari kung saan nakakatanggap ng paniniil at opresyon ang mga mahihirap.
Muli ring ipinanawagan ni Bishop Alminaza ang paglaya ni Moreta dahil narin sa katandaan at mga kumplikasyon sa kalusugan.
“Moreta should be allowed to spend her remaining days loving her grandchildren and reconnecting with her children. This poor family has been separated for so long, as Jesus, Moreta, and Salem were detained in Manila jails while the rest of the family remained in Negros and are active members of our Gagmay’ng Kristohanong Katilingban (Basic Ecclesial Communities),” ayon pa sa Obispo.
Pagbabahagi pa ng Obispo, alinsunod sa mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco, naway hindi makalimutan ng bawat persons deprived of liberty na magkaroon ng pag-asa at katarungan.
“A few days ago, His Holiness Pope Francis issued a plea on behalf of prisoners, saying they should never be deprived of hope. He went on to say that “we risk being imprisoned in a justice that doesn’t allow one to easily get back up again and confuses redemption with punishment,” ani Bishop Alminaza.