Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Katarungan, hangad ng mga naulila ng EJK

SHARE THE TRUTH

 276 total views

Umaasa ang mga naulilang biktima ng extra judicial killings na makakamit ang katarungan at mapapanagot ang mga nagkasala sa ipinatupad na marahas na drug war ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ginaganap na pagdinig ng Quad Committee ng Mababang Kapulungan.

Ito ang panalangin ng mga naulila sa ginanap na Misa para sa Katarungan na idinaos sa People’s Center sa Mababang Kapulungan kung saan ginaganap din ang ika-11 Quad Committee hearing.

Kabilang sa dumalo sa pagdinig ng joint panel si dating Pangulong Duterte, dating Senator Leila de Lima, at Fr. Flavie Villanueva ng Project Paghilom, kasama ang mga balo at naulila sa EJK na resulta ng drug war.

Ayon kay Fr. Joselito Sarabi, CM isa sa mga paring kasama ng mga pamilya ng mga biktima ng EJK, patuloy ang kanilang panalangin na makakamit ang katarungan at mapanagot ang may sala sa mga pagpaslang.

“I hope na mabuksan ang isip ni Duterte na magkaroon siya ng kaunting ng habag sa mga pamilyang ito, yun lang ang ipinagdadasal natin. At sana makita niya ang kasamaan na dulot ng aksyon, desisyon nya especially ang drug war,” ayon kay Fr. Sarabia sa panayam ng Radio Veritas.

Isang welcome development naman ayon sa pari ang naging desisyon ng dating Pangulo sa pagdinig makaraan ang ilang ulit na paanyaya ng joint panel.

“Isang face-off talaga ito, ang mga nanay dito ay natuwa na may pagkakataon sila na makita si Rodrigo Duterte pra ipahiwatig ang kanilang damdamin. Marami sa kanila ay humihingi ng hustisya,” ayon sa pari.

“Nawa, makakita din sila na may kakampi din sila lalo na sa simbahan na itaguyod ang hustisya para sa mga napaslang. Ang wish talaga ay panagutin ang Duterte administration, si President Duterte, si Bato, si Bong Go na sana makuling sila. Dahil sobrang sama ng idinulot nito sa mga buhay ng mga Filipino, lalo na ang kga maralita, maraming namatay at naulila na mga bata,” ayon pa kay Fr. Sarabia.

Naulila at balo ng EJK
Muling nanumbalik kay Teresita Campo, 75 anyos, ina ng isa libo-libong biktima ng EJK na si Junald Campo, 31, ng Payayas, Quezon City na napaslang noong November 2016, ang galit at sakit sa pagkamatay ng kaniyang anak dahil madugong drug war na ipinatupad ng nakalipas na administrasyon ng dating Pangulong Duterte .

“Nag-iisa na lang ako, siya lang ang kasama ko (Junald), na bumubuhay sa amin. Ngayon nag-iisa na ako,” ayon kay Campo.

Dagdag pa ng Ginang: “Nagkaroon ako ng galit at sama ng loob sa kaniya (Duterte). Ang daming naging biktima. Sana, mabigyan kami ng katarungan.”

Si Gng. Campo ay isa sa 100 pamilya ng EJK na nagtungo sa People’s Center sa House of Representatives upang harapin ang dating Pangulo sa pagdalo nito sa ikalabing isang pagdinig ng Quad committe ng Mababang Kapulungan ngayong November 13.

Ang mga naulilang mga pamilya ng EJK ay mula sa Barangay Camarin, Holy Spirit, at Payatas kasama ang grupo ng ng Rise up for Life and for Rights at Project Paghilom-isang institusyon ng simbahan na kumakalinga sa mga balo at naulila ng mga biktima ng EJK na pinamumunuan ni Fr. Flavie Villanueva.

Bago ang pagdinig, isang misa para sa katarungan ang idinaos sa Kamara na pinangunahan ni Fr. Villanueva, Fr. Bong Sarabia at ilan pang mga pari bilang pakikiisa sa patuloy na pagluluksa ng mga pamilya ng EJK na hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ng katarungan, dulot ng madugong drug war na ipinatupad ng dating Pangulo.

Sa mga nakalipas na pagdinig, lumalabas sa testimonya ng mga testigo na ang mga pagpaslang ay sinasabing state sponsored lalo’t ilan na rin ang nagsabi sa pag iral ng reward system o pagbibigay ng pabuya sa bawat pagpaslang.

Bukod sa dating Pangulo, kabilang din sa mga isinasangkot sa anti drug war ang dating PNP chief na ngayo’y Senador na si Ronald dela Rosa, at Sen. Christopher Go na kilalang matagal nang katiwala ng dating Pangulo, ayon na rin sa salaysay nina dating PCSO General Manager Royina Garma, na kamakailan ay lumabas ng bansa, at inaasahang ibabalik Pilipinas ngayong araw.

Sa ulat ng human rights group, aabot sa 30-libo ang bilang ng mga napaslang, kung saan higit sa 100 sa mga ito ay pawang mga inosente at menor-de-edad.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 31,624 total views

 31,624 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 42,699 total views

 42,699 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 49,032 total views

 49,032 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 53,646 total views

 53,646 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 55,207 total views

 55,207 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Marian Pulgo

Simbahan, nakahandang makipagdayalogo sa mga kandidato

 461 total views

 461 total views Kaugnay sa nalalapit na halalan sa susunod na taon, tiniyak ng simbahan ang kahandaan na makipagdayalogo sa mga kandidato, at sa nais na humingi ng panalangin. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangan ng sambayanan sa kasalukuyan ang mga pinunong may malakasakit, magtataguyod ng tunay at tapat na pamamahala na siyang pinaninindigan ng

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Pagkumpiska ng ilegal na nabiling ari-arian ng mga dayuhan, isinulong sa Kamara

 2,260 total views

 2,260 total views Inihain sa Mababang Kapulungan ang panukalang batas na magbibigay kapangyarihan sa gobyerno na bawiin o kumpiskahin ang mga ari-arian na ilegal na nabili ng mga dayuhan, lalo na ang kaugnay sa mga illegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Ang House Bill (HB) No. 11043, na kilala rin bilang “Civil Forfeiture Act,” ay

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Batasang Pambansa, nagbigay pugay sa mga nasawi sa bagyong Kristine

 3,415 total views

 3,415 total views Magnilay, manalangin at magbigay pugay sa alaalang iniwan ng mga nasawi dulot ng Bagyong Kristine. Ito ang paghihimok ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa sambayanang Filipino kasabay na rin proklamasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagtatakda ng November 4 bilang National Day of Mourning. Sa nagdaang kalamidad, umaabot sa higit isang daan

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Duterte, hindi maikailang ipinag-utos ang pagpatay sa mga sangkot sa kalakalan ng droga

 4,607 total views

 4,607 total views Hindi maikakaila na may ipinag-utos ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na paslangin ang sinumang may kinalaman sa ilegal na kalakalan ng droga. Ito ang naging reaksyon ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Permanent Committee on Public Affairs sa mga pahayag ni Duterte

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Caritas Manila, ikakasa ang 2nd-round na tulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

 4,288 total views

 4,288 total views Naghahanda na ang Caritas Manila sa second-round ng pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bayong Kristine. Ito ang inihayag ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila kasabay ng isinasagawang Typhoon Kristine Telethon ng Caritas Manila at Radio Veritas. Unang nagbahagi ng kabuuang 1.2 milyong piso cash ang social arm

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila Damayan telethon for typhoon Kristine, isasagawa ng Radio Veritas

 6,659 total views

 6,659 total views Bunsod ng malawak na pinsala na iniwan ng bagyong Kristine, inaanyayahan ang mga Kapanalig ng Radio Veritas at Caritas Manila na makibahagi sa isasagawang telethon sa Lunes, Oktubre 28, 2024. Gaganapin ang Caritas Manila Damayan Typhoon Kristine Telethon sa Kapanalig na himpilan ng Radyo Veritas simula, ika-pito ng umaga hanggang sa ikaanim ng

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Archdiocese of Manila, magsasagawa ng second collection para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

 4,430 total views

 4,430 total views Ipinag-utos ng Arkidiyosesis ng Maynila ang pagsasagawa ng second collection sa lahat ng misa sa Sabado, October 26, at Linggo, October 27, bilang tugon sa pangangailangan ng mga biktima ng Bagyong Kristine, kung saan matinding napinsala ang Bicol Region at Quezon Province. Sa Circular No. 2024-75 na inilabas ni Manila Archbishop Jose Cardinal.

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Igalang ang labi ng mga yumao

 5,378 total views

 5,378 total views Mahalaga ang pagpapakita ng respeto at paggalang sa mga labi ng yumao, alinsunod sa mga turo ng simbahan. Ito ang mensahe ni Fr. Joel Saballa ng Diocese of Novaliches bilang reaksyon sa kontrobersyal na pahayag ni Vice President Sara Duterte na huhukayin niya ang labi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. kung magpapatuloy

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Imbestigasyon ng Senado sa EJK’s, hindi naakma

 5,901 total views

 5,901 total views Walang anumang batas na nagbabawal sa senado na magsagawa ng parallel investigation sa iniimbestigahan ng Mababang Kapulungan kaugnay sa extrajudicial killings na iniuugnay sa kampanya kontra droga ng nakalipas na administrasyong Duterte. Ito ang sinabi ni House Committee on Dangerous Drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers-na siya ring lead chair ng Quad Committee-

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Total clean-up sa PNP, panawagan ng Obispo

 6,613 total views

 6,613 total views Pinaalalahanan ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang mga kabataan na ang pagiging alagad ng batas ay hindi lamang isang uri ng trabaho kundi isang bokasyon. Ito ang mensahe ng Obispo sa pagkakasangkot ng ilang mga uniformed personnel, lalo na ang mga opisyal ng Philippine National Police sa isyu

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dalawang panukalang batas, inihain sa Kamara: EJK bilang karumal-dumal na krimen, pagbabawal ng offshore gaming

 7,986 total views

 7,986 total views Dalawang panukalang batas na bunga ng isinagawang pagdinig ng Quad Committee ang isinumite sa Mababang Kapulungan, ang tuluyang pagbabawal sa POGO at pagkilala sa extra judicial killing (EJK) bilang isang karumal-dumal na krimen. Anti-Offshore Gaming Operations Act Ang Anti-Offshore Gaming Operations Act ay naglalayong ipagbawal ang lahat ng uri ng offshore gaming sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Parusa sa mga sangkot sa pekeng war on drugs, hiling ng mga Pari

 11,601 total views

 11,601 total views Pangunahing paksa ng ika-walong pagdinig ng Quad Committee ng Kamara ang isyu ng extra judicial killings (EJK), na iniuugnay sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Bago ang pagdinig, isang misa ang idinaos sa House of Representatives People’s Center na pinangunahan nina Fr. Joel Saballa-ng Caritas Novaliches, Fr. Noel

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Philippine Navy, hindi natatakot sa pagdami ng Chinese vessels sa WPS

 8,467 total views

 8,467 total views Tiniyak ng Philippine Navy ang patuloy na pagpapatrolya sa mga isla sa West Philippine Sea, sa kabila ng patuloy na banta at pananakot ng China. Ito ayon sa panayam ng programang Veritas Pilipinas kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy on West Philippine Sea, kaugnay sa patuloy na pagdami ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Sa patuloy na tensyon sa Holy Land; Araw ng pananalangin at pag-aayuno itinakda ni Pope Francis sa October 7

 13,882 total views

 13,882 total views Hinimok ni Pope Francis ang mananampalataya sa buong mundo na makiisa sa isang araw ng panalangin at pag-aayuno sa Oktubre 7 bilang paggunita sa isang taon mula nang umatake ang Hamas sa Israel, kasabay ng tumitinding karahasan sa rehiyon. Ito ang naging panawagan Santo Papa, sa pagtatapos ng kanyang homilya sa misang ginanap

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Quad Comm, iniimbestigahan ang kaugnayan ni Alice Guo sa ‘Fujian gang’

 12,390 total views

 12,390 total views Ito ang katanungang lumutang sa isinagawang pagdinig ng House Quad Committee makarang busisiin ng panel ang mga negosyo ni Guo at posibleng pagkakaugnay sa mga sindikato. Ipinunto ni Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ang mga kahina-hinalang kaugnayan ni Guo at ilang mga indibidwal mula sa Fujian, isang rehiyon sa China

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top