286 total views
Nagpahayag ng pakikiramay ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa pamamaril at pagpaslang sa isang pari ng Archdiocese of Tuguegarao.
Si Fr. Mark Ventura ay binaril at Pinapatay ng mga di pa tukoy na salarin sa Barangay Peña Weste, Gattaran Cagayan matapos ang pagdiriwang ng misa, Linggo alas-8 ng umaga.
Ayon kay CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles, nabigla siya sa ulat at ikinalulungkot ang naganap na insidente.
“That is very tragic. A man of God…a priest killed after celebrating a eucharist.
That was a very sad news,” ayon kay Archbishop Valles sa panayam ng Radio Veritas.
Nagpapaabot din ng pakikiramay si Archbishop Valles sa Archdiocese ng Tuguegarao at pamilya ni Fr. Ventura
“We also pray for his diocese who is truly sadden. And for the family of the priest who are now mourning,” ayon pa sa arsobispo.
Umaasa din ang arsobispo sa masusing imbestigasyon upang matukoy at mapanagot ang mga salarin at makamit ang katarungan.
“…those responsible of this act of taking the life of a priest will be brought to justice,” ayon pa kay Archbishop Valles.