Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Katarungan para kay Father Paez, hiling ng Simbahan sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 226 total views

Nananawagan ng katarungan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa mga nasawing indibidwal dahil sa pagtulong sa mga naisasantabing sektor ng lipunan.

Ayon kay San Jose Bishop Roberto Mallari, hindi pa rin nakakamit ni Rev. Fr. Marcelito Paez ang katarungan isang taon makalipas itong paslangin ng mga hindi nakikilalang salarin noong ika – 4 ng Diyembre sa Lambakin, Jaen, Nueva Ecija.

“Ang panawagan natin hindi lang para kay Fr. Tito kundi sa lahat ng mga nagtatrabaho especially for those working for the poorest of the poor,” pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Nag-alay ng misa ang Diyosesis ng San Jose bilang pag-alala sa unang anibersaryo ng pagkamatay ng Pari kung saan dinaluhan ng mahigit sa 30 mga Pari at Obispo kasama ang ilang tagasuporta ni Fr. Paez.

Batay sa huling impormasyong nakuha ni Bishop Mallari, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education na minamanmanan si Fr. Paez noong dinalaw nito sa kulungan ang isang political prisoner upang asikasuhin ang paglaya nito.

RED TAGGING

Ikinabahala ni Bishop Mallari ang hakbang ng pamahalaan na ibilang sa hanay ng makakaliwang grupo ang mga grupo at institusyon tulad ng Simbahang Katolika na lumilingap sa mga nangangailangan sa lipunan.

Aniya, hindi ito makatarungan sapagkat gampanin ng Simbahan ang kalingain at arugain ang mga mahihirap bilang pagsunod sa misyon ni Hesus na kinakanlong ang mga napapabayaan sa pamayanan.

“Tayo sa Simbahan we are serving to everybody especially the poorest of the poor, we cannot close our door to them kasi kasama natin silang mga kapatid na nangangailangan,” ani ni Bishop Mallari.

Ikinatuwa noon ng Obispo na may mga kinatawan ang ilang makakaliwang grupo sa Kongreso at Gabinete ng administrasyong Duterte na unti-unti ring tinatanggal at ngayon ay tinutugis kasabay ng desisyong ihinto ang usapang pangkapayapaan.

Umaasa si Bishop Mallari na tulad sa ibang mga bansa mabigyang pagkakataon ang iba’t ibang panig sa isang dayalogo upang mapag-usapan ang mga hindi pagkakasundo at pagkakaiba ng pananaw sa iba’t ibang mga usapin.

Si Fr. Paez ang unang biktima sa tatlong paring nasawi sa magkahiwalay na insidente ng pamamaslang sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Sa tala naman ng Pontifical Institute for Foreign Missions (PIME) mula administrasyong Marcos hanggang administrasyon ni dating pangulong Benigno Aquino III umabot sa 13 Pari ang biktima ng pamamaslang bukod pa dito ang kaso nina Fr. Marcelito Paez, Fr. Mark Anthony Ventura at Fr. Richmond Nilo habang nakaligtas naman sa tangkang pagpatay si Rev. Fr. Rey Urmeneta ng Diocese ng San Pablo na binaril noong ika – 6 ng Hunyo sa Calamba Laguna.

Dahil dito hinimok ni Bishop Mallari ang mananampalataya na bigyang pansin ang mga nangyayari sa kapaligiran at magkaisang manalangin sa Panginoon upang gabayan sa lahat ng panahon.

“Ngayong adbiyento we especially sa Catholic Church we call on everybody na talagang magising yung malasakit natin sa nangyayari sa kapaligiran natin, dun sa mga bagay na nakalulungkot, We pray come Lord Jesus, yun bang dumating sana ang Panginoon sa gitna ng mga sitwasyong nakalulungkot.”

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mental Health Awareness Month

 8,739 total views

 8,739 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 14,326 total views

 14,326 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 19,842 total views

 19,842 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 30,963 total views

 30,963 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »

NINGAS-COGON

 54,408 total views

 54,408 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok ng Obispo na maging daluyan ng habag at awa ng Panginoon

 7,642 total views

 7,642 total views Hinimok ng opisyal ng World Apostolic Congress on Mercy (WACOM) ang mga dumalo sa 5th Asian Apostolic Congress on Mercy na patuloy maging daluyan ng habag at awa ng Panginoon sa kapwa. Ayon kay WACOM Episcopal Coordinator for Asia, Antipolo Bishop Ruperto Santos dapat isabuhay ng mga deboto ang bawat natutuhan sa congress

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Igalang ang mga namayapa-Bishop Santos

 7,709 total views

 7,709 total views Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na igalang ang mga namayapa. Ito ang pahayag ng obispo sa nalalapit na paggunita ng mga yumaong mahal sa buhay o undas sa November 2. Binigyang diin ni Bishop Santos na ang pagbibigay ng maayos na himlayan sa mga namayapa ay isa sa mga nararapat

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Stella Maris Philippines, patuloy na makikilakbay sa mga seafarer

 7,822 total views

 7,822 total views Tiniyak ng Stella Maris Philippines ang patuloy na paglilingkod sa mga manggagawa sa karagatan at kanilang mga pamilya. Ayon kay National Coordinator Fr. John Mission na mahalagang kalingain ang hanay ng mga seafarers at iba pang manggagawa sa sektor alinsunod sa Stella Maris Moto Propio ni St. John Paul II. “Our commitment will

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Antipolo Auxiliary Bishop, itinalagang Obispo ng Diocese of Catarman

 8,062 total views

 8,062 total views Pormal nang itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Bishop Nolly Buco bilang ikatlong obispo ng Diocese of Catarman. December 2023 nang unang itinalaga ang obispo bilang tagapangasiwa sa diyosesis makaraang tanggapin ni Pope Francis ang pagretiro ni Bishop Emmanuel Trance dahil sa usaping kalusugan. Inanunsyo ng Vatican ang appointment ni Bishop Buco na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

“God’s mercy is mercy in action!”

 8,250 total views

 8,250 total views Itinuring na ‘mercy in action’ ng St. Joseph the Patriarch Parish sa Mabolo Cebu City ang kawanggawang isinagawa ng ilang delegado ng 5th Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Parish Priest Fr. Benedicto Tao mahalagang maibahagi ng mga delegado ang habag at awang naranasan sa pakikiisa sa AACOM upang maisakatuparan ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Divine mercy devotion, ibahagi sa iba

 8,814 total views

 8,814 total views Umaasa ang Divine Mercy Ministry ng Archdiocese of Cebu na paigtingin ng bawat binyagang kristiyano ang debosyon sa Divine Mercy. Ayon kay ministry Spiritual Director Fr. Lucas Inoc nawa’y magbunga ng malalim na pang-unawa sa habag at awa ng Panginoon upang maibahagi sa kapwa. Aniya bawat isa ay nangangailangan ng habag mula sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Be the light house that provides hope and direction.

 9,324 total views

 9,324 total views Ito ang apela ni CBCP Bishop Promoter of Stella Maris-Philippines, Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga lider ng pamahalaan at lingkod ng simbahang naglilingkod sa kapakanan ng mga seafarers kabilang na ang mga mangingisda. Sa pagtatapos ng 2-day Migrant Fishers Leader’s Assembly na ginanap sa Cebu City binigyang diin ni Bishop Santos ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Arsobispo ng Cebu, nanawagan ng suporta sa “One million children praying the rosary”

 9,404 total views

 9,404 total views Umapela si Cebu Archbishop Jose Palma sa mamamayan na suportahan ang inisyatibo ng Aid to the Church in Need na ‘One million children praying the rosary’. Ayon sa arsobispo mahalagang tulungan ang mga batang mahubog ang pananampalataya at mapalalim ang ugnayan sa Panginoon. Aniya nararapat suportahan ang mga kabataan at magbuklod ang pamayanan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagbebenta, pagbili ng boto: Pagkakait sa pagkakaroon ng mahuhusay na pinuno ng bayan, ayon sa Obispo

 9,650 total views

 9,650 total views “We need to give our country a chance to change.” Ito ang hamon ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa mamamayan hinggil sa nalalapit na 2025 midterm national and local elections. Sinabi ng obispo na isa mabisang paraan upang makamit ang tunay na pag-unlad ang paglaban sa talamak na vote buying tuwing halalan. “Vote

Read More »
Cultural
Norman Dequia

“Whatever God want me to do, I will do it” – Bishop Labajo

 9,679 total views

 9,679 total views “Malipayon kong modawat sa maong assignment.” Ito ang mensahe ni Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo makaraang italaga ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang kauna-unahang obispo ng Diocese of Prosperidad sa Agusan del Sur. Sinabi ng obispo na higit nitong isasabuhay ang kanyang episcopal motto na ‘Humiliter Ambulare Coram Deo’ o ‘To walk humbly before

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagiging host ng AACOM, ipinagpasalamat ng Archdiocese of Cebu

 9,703 total views

 9,703 total views Ikinagalak ni Cebu Archbishop Jose Palma ang pagiging host archdiocese ng ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon sa arsobispo magandang pagkakataon ang pagtitipon na isang paraan upang muling paigtingin ang pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang habag at awa. “We feel privilege once more to host the AACOM

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Diocese of Prosperidad sa Agusan del Sur, itinatag ng Santo Papa

 9,734 total views

 9,734 total views Itinatag ng Kanyang Kabanalan Francisco ang Diocese of Prosperidad na magpapastol sa mananampalataya ng Agusan Del Sur. Kasabay nito itinalaga ng santo papa si Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo bilang kauna-unahang obispo sa itinatag na diyosesis. Inaprubahan ni Pope Francis ang kahilingan ni Butuan Bishop Cosme Damian Almedilla na hatiin ang Diocese of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pinakamapinsalang lindol sa Bohol, inalala

 10,354 total views

 10,354 total views Isinagawa ng Diocese of Tagbilaran ang Day of Prayer para gunitain ang mga biktima ng magnitude 7.2 na lindol 11-taon ang nakalilipas. Ayon kay Bishop Alberto Uy, bagamat mahigit isang dekada na ang nakalipas sa mapaminsalang lindol ay patuloy pa rin ang pagbangon ng mga Boholano sa tulong at gabay ng Panginoon. “Let

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, pinaalalahanan ng Papal Nuncio sa dakilang habag at awa ng Panginoon

 10,415 total views

 10,415 total views Pinaalalahanan ng kinatawan ni Pope Francis sa Pilipinas ang mananampalataya sa dakilang habag at awa ng Panginoong ipinadama sa sangkatauhan. Sa pagbukas ng 5th Asian Apostolic Congress on Mercy sa Basilica Minore del Santo Niño de Cebu sinabi ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na ang pag-alay ni Hesus ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Opisyal ng CBCP, dismayado sa kalagayan ng mga katutubo

 6,608 total views

 6,608 total views Dismayado si CBCP Office on Stewardship Chairperson, Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa kasalukuyang kalagayan ng mga katutubo sa bansa na patuloy nakararanas ng karahasan. Sa paggunita ng Indigenous Peoples’ Sunday nitong October 13 sinabi ng obispo na sa kabila ng kahirapang dinaranas ng mga katutubo sa bansa ay patuloy itong pinahihirapan ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top