Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Katatagan ng bayan, nagsisimula sa barangay

SHARE THE TRUTH

 315 total views

Mga Kapanalig, kilala ba ninyo ang kapitan ng inyong barangay? Siya ba ang inyong inihalal?
Kung si Pangulong Duterte ang tatanungin, mas gugustuhin niyang siya na lamang ang pumili at mag-appoint ng OIC o officer-in-charge ng ating mga barangay kung tuluyang ipagpalibang muli ang barangay elections na nakatakdang isagawa ngayong Oktubre. Katwiran niya, ang pagpapaliban sa barangay elections at ang pagpili niya ng mga OIC ay makatutulong upang matiyak na hindi mahahalal ang mga kandidatong pinopondohan ng mga drug lords. Paraan umano ito upang tuldukan ang tinatawag na narco-politics.
Matatandaang ito rin ang naging dahilan ni Pangulong Duterte kung bakit niya ipinagpaliban ang barangay elections noong nakaraang taon, na sinuportahan naman ng Kamara. Ang pagkakaiba nga lamang ngayong taon, sa halip na magpatuloy ang pamumuno ng mga nakaupo, ang gusto ng pangulo ay siya mismo ang maghirang ng hindi bababa sa 42,000 na OIC sa mga barangay sa buong bansa.
Sa inyong palagay, makatwiran bang ipagpalibang muli ang paghalal natin ng mga mamumuno sa ating mga barangay? Makatwiran din bang ilagay sa kamay ng iisang tao ang pagpapasya sa kung sino ang magpapatakbo ng ating barangay?
Sa maraming lugar, ang mga opisyal ng barangay ang unang tinatakbuhan sa tuwing may problemang sangkot ang mga magkakapitbahay. Ang pamahalaang pambarangay din ang may patakaran at proyekto para sa kaayusan at katahimikan ng ating lugar (katulad ng pagpapatupad ng curfew hours, paglilinis ng bangketa, at anti-rabies para sa mga aso). Sila rin ang unang antas sa sistemang pangkatarungan at nagpaplantsa ng mga gusot sa pagitan ng mga magkakabarangay. Malaki ang papel na ginagampanan ng pamahalaang pambarangay, kaya’t kapwa ang mga opisyal at ang mga naghalal sa kanila ay dapat na pinahahalagahan ang pananagutang nasa kanilang mga balikat. At dahil tayong mga nasa mga pamayanan ang pinakaunang naabot ng pamahalaang pambarangay, marapat lamang na tayo mismo ang pumili ng mga taong mamumuno sa atin, at hindi hayaang iisang tao lamang ang pumili, kahit siya pa ang pinakamataas na pinuno ng ating pamahalaan.
Isipin natin ang ganitong scenario: Paano tayo makapagpapahayag ng ating pagtutol sa mga nangyayaring patayan at paglabag sa karapatan pantao kung ang mga lalapitan natin sa barangay ay may utang na loob sa isang taong nagsusulong ng marahas na pagsugpo sa problema ng droga?
Inilalahad sa mga Catholic social teaching na pinakamainam ang pagtugon sa mga isyu at usaping nakaaapekto sa atin kung sisimulan at gagawin ito sa pinakamababang antas ng pamahalaan. Sa kaso natin, ito ay sa antas ng ating barangay. Ito ang prinsipyong kung tawagin sa Ingles ay subsidiarity.
Ayon sa Catholic social teaching na Centesimus Annus, hinihingi ng prinsipyo ng subsidiarity mula sa pamahalaan na kilalanin ang kakayanan ng mga pamayanang gaya ng barangay na sama-samang tugunan ang kanilang mga suliranin. Samakatuwid, bagamat may pakialam ang mga namumuno sa ating pambansang pamahalaan sa mga nagaganap sa mga pamayanan at barangay, hindi dapat tapakan o alisan ng responsibilidad ang mga taong malayang pinili ng mga mamamayan na paglingkuran ang kanilang barangay.
Kung tototohanin ang paghirang ng mga OIC sa ating mga barangay sa halip na ituloy ang halalang pambarangay, para na ring tinanggalan ang mga mamamayan ng karapatang piliin ang kanilang mga pinuno sa barangay. Sa Catholic social teaching na Quadragessimo Anno, salungat sa prinsipyo ng subsidiarity ang pag-aalis sa isang indibidwal ng kalayaang gawin ang isang bagay na kaya na niyang gawin katulad ng pagpili ng kanyang lider.
Mga Kapanalig, sa huli, nasa ating mga kamay ang kahihinatnan ng ating barangay. Ang pagpili ng mga mabubuting mamumuno ng ating barangay ay tungkuling dapat nating gampanan at panagutan. Hindi sa iisang tao, kundi sa ating mga magkakabarangay nagmumula ang katatagan ng ating bayan, at nagsisimula ito sa ating mga barangay.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 3,895 total views

 3,895 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 14,010 total views

 14,010 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 23,587 total views

 23,587 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 43,576 total views

 43,576 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 34,680 total views

 34,680 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 3,896 total views

 3,896 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 14,011 total views

 14,011 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 23,588 total views

 23,588 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 43,577 total views

 43,577 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 34,681 total views

 34,681 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 39,926 total views

 39,926 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 43,495 total views

 43,495 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 55,951 total views

 55,951 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 67,018 total views

 67,018 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 73,337 total views

 73,337 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 77,949 total views

 77,949 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 79,510 total views

 79,510 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 45,071 total views

 45,071 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 67,732 total views

 67,732 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 73,308 total views

 73,308 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top