Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Katesismo sa paglilipat ng araw ng Solemnity of the Immaculate Conception, ipinag-utos ng CBCP

SHARE THE TRUTH

 21,811 total views

Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang ng dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria sa December 9.

Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Liturgy Chairperson, Ilagan Bishop David William Antonio, dapat mabigyan ng wastong katesismo ang mananampalataya sa paglilipat ng petsa ng kapistahan ngayong taon dahil ang December 8 ay nataon sa ikawalang Linggo ng Adbiyento.

“We enjoin our pastors to encourage their parishioners to participate in the
celebration of the Eucharist on the Solemnity of the Immaculate Conception and catechize our people with the utmost pastoral sensitivity and concern,” pahayag ni Bishop Antonio.

Nilinaw ng obispo ang naunang inilabas na panuntunan ng CBCP na kapwa magagampanan ng mananamapalataya ang holy day of obligation sa pagdalo ng misa sa December 8 bilang Araw ng Linggo at Dakilang Kapistahan ng Inmaculada Concepcion.

“Kindly disregard the liturgical notes published in our Philippine Ordo 2025 regarding this matter so that we will be in communion with the interpretation of the Holy See,” ani Bishop Antonio.

Pinagbatayan ng CBCP ang liham ng Dicastery on Legislative Texts na ipinadala sa Committee on Canonical Affairs and Church Governance ng United States Conference of Catholic Bishops kaugnay sa paglilipat ng dakilang kapistahan sa araw ng Lunes, December 9.

Binigyang diin ng Vatican ang isinasaad sa Canon Law (Can. 1246) kung saan dapat ipagdiriwang ang dakilang kapistahan sa araw na inililipat ang petsa.

Paliwanag ng dicastery na batay sa alituntunin sa Catechism
of the Catholic Church (n. 2181) bilang mga binyagan ay tungkulin ang pagdalo ng Banal na Misa lalo na sa Holy Days of Obligation maliban lamang sa ilang kadahilanan tulad ng pagkakasakit.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 30,164 total views

 30,164 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 42,906 total views

 42,906 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

May magagawa tayo

 62,830 total views

 62,830 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »

Transport Reforms

 68,208 total views

 68,208 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 74,332 total views

 74,332 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »
12345

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here

Related Story

1

Latest Blogs

1