380 total views
Binuksan ng Archdiocese of Cebu ang mga katolikong sementeryo sa lalawigan para sa mga non-catholics.
Batay sa liham sirkular ni Archbishop Jose Palma ito ay paraan ng pagtulong ng simbahan sa mga napupunong sementeryo dahil sa dumaraming namamatay bunsod ng coronavirus.
Binigyang diin ng arsobispo na mahalagang mabigyang dignidad ang mga pumanaw at maihimlay sa wastong lugar na may ibayong paggalang.
“In cases of non-Catholics who have died due to CoVid, and there are no more vacant burial slots in their own respective cemeteries, I take it as an act of charity to allow their burial in our Roman Catholic cemeteries during these times of pandemic,” bahagi ng liham sirkular ni Archbishop Palma.
Batay sa ulat ng Emergency Operations Center ng lokal na pamahalaan ng Cebu City bagamat nakitaan ng pagbaba ng mga nahawaan ng virus salungsod nitong mga nakalipas na araw ay nanatiling puno ang mga funerla homes at mortuaries.
Batay sa tala ng Department of Health Region 7 nasa 1, 368 na ang nasawi dulot ng COVID-19 sa Cebu province habang nasa 1, 172 naman sa Cebu City.
Ayon pa sa DOH-7 kabilang ang Cebu province at Cebu City sa Top 5 provinces and cities na marami ang namatay dahil sa virus.
Hinimok naman ni Archbishop Palma ang bawat isa na makipag-ugnayan sa mga simbahan upang maisagawa ang paglilibing ng mga yumaong non-catholics sa sementeryong pag-aari ng simbahang katolika.
“In order to pastorally guided by this mandate, I suggest that proper consultations be made first with our competent ecclessiatical authorities when there are other issues and unforeseen circumstances that may arise on this matter,” dagdag ng arsobispo.
Nilinaw naman ni Archbishop Palma na ito ay pansamantala lamang habang nasa kalagitnaan ng krisis pangkalusugan at marami ang naapektuhang nasawi.
“However, since this privileged expression of goodwill is given in consideration of the extreme difficulty in giving a decent and dignified burial place for our dear departed during these pandemic times, only time will tell, after prudent pastoral discernment, when this permission may be abrogated,” ani Archbishop Palma.
Patuloy namang ipinapanalangin ng simbahang katolika ang kaligtasan ng mamamayan mula sa nakakahawang sakit kasabay ng paghikayat na makiisa sa preventive measures tulad ng pagpapabakuna, pagsunod sa safety protocols na pgsusuot ng facemask at faceshield, pagsunod sa physical distancing at paghuhugas ng kamay.