2,302 total views
Pinaalalahanan ng Santo Papa Francisco ang mananampalataya na bilang binyagan ay tungkulin nitong maging misyonero sa sambayanan.
Ayon kay Pope Francis bawat isa ay inaanyayahang makibahagi sa gawaing pagmimisyon lalo na sa mga kinabibilangang komunidad.
Nilinaw ng santo papa na hindi lamang para sa mga pari, madre at relihiyoso ang pagmimisyon kundi ito ay pantay na gawain ng kristiyanong pamayanan.
“Within the diversity of ministries and charisms in the Body of Christ, all the baptized are called and sent forth to advance the Church’s apostolate. Those who are ordained have received the mission of teaching, governing and sanctifying in Jesus’ name and authority, yet all the members of the faithful, as sharers in the Lord’s priestly, prophetic and regal office, are called to be missionary disciples, “apostles in an apostolic Church”,” ani Pope Francis.
Sa datos ng simbahang mahigit isang bilyong katoliko halos kalahating milyon lamang dito ang mga pari na naglilingkod sa iba’t ibang simbahan mundo kaya’t inaasahan ang mga layko sa pangunguna sa pagmimisyon sa komunidad.
Sa Pilipinas aktibo ang iba’t ibang grupo ng mga laykong katuwang ng simbahan sa pagpapatupad ng mga programa sa pamayanan na makatutulong sa pagpapaunlad ng pananampalataya.
Halimbawa nito ang lay chaplain program ng Couples For Christ sa ilang diyosesis sa bansa kung saan layko ang namumuno sa itinalagang mission stations.
Bukod pa rito ang mga programa ng Council of the Laity ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na aktibong nakiikilahok sa mga gawain ng simbahang katolika.