312 total views
Mahalaga ang katotohanan sa pagkamit ng kabanalan.
Ito ang binigyang diin ni Rev. Fr. Jessel Gerard “JBoy” Gonzales, SJ – Assistant Director for Formation, Ateneo De Davao University sa kanyang mensahe sa isinagawang 7th Catholic Social Media Summit noong ika-17 ng Nobyembre.
Ayon kay Father Gonzales, ang kasinungalingan at panlilinlang ang sanhi ng pagkasira sa relasyon sa kapwa.
Ito din ay nakalilikha ng Culture of Deception o kultura ng panlilinlang na kabaliktaran ng ninanais ng Diyos na culture of truthfulness.
“Many relationships are broken because they set aside truthfulness. That’s the connection, so holiness become like God, therefore in social media to be not like God is developing a culture of deception. But to be like God is to develop a culture of truthfulness.” pahayag ni Father Gonzales sa SocCom ng Diocese of Novaliches.
Sa datos ng Philippine Information Agency, umabot sa 67 milyong Filipino ang sinasabing active social media users.
Dahil dito, hinimok ng pari ang mga mananampalataya lalo na ang mga kabataan na palaganapin ang mga turo ng simbahan sa internet.
Sang-ayon sa mensahe ni St. john Paul II sa 33rd World Communications day noong 1999, ang kultura at karunungang taglay ng simbahan ang makatutulong upang hindi mawalan ng saysay ang mga kaalamang ipinapahayag sa media.