9,882 total views
Panalangin at Kapayapaan ang ipinaabot ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas matapos na pinawalang bisa ng Department of Justice ang kasong sedisyon laban sa kanya at mga kasamang Obispo at pari.
Ayon kay Abp. Villegas, taimtim niyang ipinanalangin ang mga taong nagpahayag ng maling akusasyon at nanalig itong mangingibabaw pa rin ang katotohanan.
Sa paglabas ng desisyon ng Department of Justice panel, labis na nagpasalamat ang arsobispo sa mga opisyal ng pamahalaan na nakasaksi sa katotohanan.
Dalangin naman niya ang kapayapaan sa puso at isipan ng mga nagbigay ng maling paratang laban sa kanila.
“Now that the government officials have seen the falsity of the charges, what can I do but pray as I have always been doing. I pray even more. Prayer is my duty. Prayer is my power. Prayer is my life… Now, I pray for those who concocted the calumnies and lies and wish them “Peace”. I pray for the panel of prosecutors who listened to our explanation and saw the truth we carry, and say “Mabuhay po”.” pahayag ni Abp. Villehas sa kan’yang facebook post.
Noong ika-10 ng Pebrero inilabas ng Department of Justice ang resulta ng kasong isinampa laban sa apat na Obispo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, mga pari at Vice President Leni Robrero. Malinaw na pinawalang sala dito sina CBCP Vice President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, Jr., Cubao Bishop Honesto Ongtioco at ang kilalang running Priest na si Fr. Robert Reyes