576 total views
Hamon para sa sektor ng Edukasyon at pamamahayag ang pagsisiwalat ng katotohanan sa mga nagaganap sa bansa sa ilalim ng rehimeng Marcos.
Ito ang pahayag ni dating Commission on Human Rights Chairperson Etta Rosales kaugnay sa pahayag ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos na dapat ay ‘Mag-move on’ ang mamamayang Filipino sa naganap noong batas militar.
Ayon sa dating opisyal ang pahayag ay tahasang pagsasantabi ng pamilya Marcos sa mga pang-aabusong nilikha noong Martial Law sa buhay ng mga mamamayan at sa kasarinlan ng bansa.
Paliwanag ni Rosales, kailangang maitama ng mga mamamahayag lalo na ng institusyon ng edukasyon ang tunay na pangyayari sa ilalim ng rehimeng Marcos at usapi ng katiwalian.
“More than ever Media and the Schools should bring out the truth that a Dictatorial Regime works narrowly for the interests of the Dictator and his Family and Cronies. The story of the People’s struggle against Martial Law must be brought out again,” dagdag pa ni Rosales.
Inihayag rin ng dating opisyal ang nasa mahigit 10-bilyong dolyar na ill-gotten wealth ng pamilya Marcos mula sa kaban ng bayan na hanggang sa ngayon ay binabayaran pa rin ng mga mamamayang Filipino.
Binibigyang halaga rin ng Santo Papa Francisco ang kasaysayan na mahalagang malaman ng kabataan bilang isang aral sa hinarahap ng lipunan.