Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Katulad ng pagtanggap kay Hesus

SHARE THE TRUTH

 165 total views

Mga Kapanalig, malaking isyu ngayon sa Amerika ang paghihiwalay ng mga magulang at mga anak na iligal na pumapasok sa border sa timog ng bansa. Sa kagustuhan kasing takasan ang kaguluhan sa kanilang bansa gaya ng Guatemala, Honduras, El Salvador, at Mexico, may mga pamilyang buwis-buhay na tumatawid sa border ng Amerika. Ito ay sa kabila ng zero-tolerance policy ng America na pumipigil sa pagpasok ng mga dayuhan sa Amerika, kahit pa humantong ito sa paghihiwalay ng mga bata sa kanilang mga magulang. Talaga namang nakadudurog ng puso ang mga larawan at video ng mga umiiyak na paslit.

Nagsimula noong nakaraang buwan ito ang zero-tolerance policy ng administrasyon ni Pangulong Trump kung saan ituturing na kriminal ang mga mahuhuling ilegal na tumatawid patungo sa Estados Unidos. Ano ang ibig sabihin nito? Bago ang patakarang ito, dinadala sa detention centers ang mga mahuhuling migrante habang kanilang hinihintay ang hatol ng immigration judge kung kinakailangan silang i-deport o pabalikin sa kanilang pinagmulan. Sa ilalim ng zero tolerance policy, dahil itinuturing silang kriminal sa halip na mga migrante, ipipiit sila sa federal jail habang pinagdedesisyunan ang kanilang kaso. Sapagkat hindi maaaring ikulong ang mga bata, inihihiwalay sila sa kanilang mga magulang. Sa ilalim ng bagong patakarang ito, itinuturing ang mga bata na “unaccompanied minors” (o mga menor de edad na walang kasama) kaya’t dinadala sila sa mga holding centers ng Department of Health and Human Services.
Mula nang ipatupad ang zero tolerance policy noong Mayo hanggang ngayong buwan, aabot na sa mahigit dalawang libong bata ang inihiwalay sa kanilang mga mga magulang. Hindi lamang ang paghihiwalay ng mga magulang at anak mali sa patakarang iyon ni Pangulong Trump. Pangmatagalang trauma ang dulot nito sa mga bata. Ayon sa mga kritiko, mistulang Nazi concentration camps ang holding centers dahil nilalagyan pa ng numero ang mga bata upang matukoy kung sino ang kanilang mga magulang. Marami na ang tumutol sa patakarang ito, at tinatawag itong malupit at hindi makatao maging ang kanyang mga kapartido.

Dahil sa matinding kritisismo, binawi na ni Pangulong Trump ang kanyang patakaran. Maliit na tagumpay ito upang mabigyang proteksyon ang mga migrante, lalung-lalo na ang mga bata, ngunit hindi malinaw kung paanong maibabalik muli sa mga magulang ang kanilang mga anak.

Mariing tinutulan ng mga obispo ng Simbahang Katoliko sa Amerika ang zero-tolerance policy ni Pangulong Trump. Hindi makatao at hindi Katoliko ang paghihiwalay sa mga pamilya, na silang pundasyon ng ating lipunan. Kung layunin ng pangulo ng Amerika na gawing dakila ang kanilang bansa, hindi ang pagiging malupit sa mga migrante ang daan patungo roon. Sinang-ayunan ni Pope Francis ang posisyon ng mga obispo. Dagdag pa niya, kinakailangang tanggapin, tulungan, at gabayan ang mga migranteng naghahanap ng pagkalinga sa labas ng kanilang bansa. Sa hiwalay na pahayag noong simula ng taon, sinabi rin ni Pope Francis na ang migration ay hindi lamang isyu ng iisang bansa: isyu ito ng lahat ng bansa. Kaya naman, kailangang-kailangan ang pag-uusap ng mga lider upang makabuo ng solusyong makatao at may pagkilala sa dignidad at halaga ng bawat isa.

Mga Kapanalig, gaya rin ng paalala sa atin ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, malugod nating tanggapin ang mga estranghero katulad ng pagtanggap natin kay Hesus. Hindi ba’t nagawa na natin ito noong tinanggap natin ang mga “boat people” mula sa Vietnam noong panahon ng Vietnam War at ang mga Hudyong nais makatakas sa rehimeng Nazi?

Gayunman, tanungin pa rin natin ang ating mga sarili: Sinu-sino ang mga estrangherong kumakatok sa atin ngayon? Paano natin sila tinatanggap? Paano natin kinakatagpo ang ating kapwang “iba” sa atin?

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 7,828 total views

 7,828 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 17,943 total views

 17,943 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 27,520 total views

 27,520 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 47,509 total views

 47,509 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 38,613 total views

 38,613 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 7,829 total views

 7,829 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 17,944 total views

 17,944 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 27,521 total views

 27,521 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 47,510 total views

 47,510 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 38,614 total views

 38,614 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 40,319 total views

 40,319 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 43,888 total views

 43,888 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 56,344 total views

 56,344 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 67,411 total views

 67,411 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 73,730 total views

 73,730 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 78,342 total views

 78,342 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 79,903 total views

 79,903 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 45,464 total views

 45,464 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 68,125 total views

 68,125 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 73,701 total views

 73,701 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top