455 total views
Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ang Filipino Missionary Priest bilang bagong obispo ng Diocese ng Sendai sa Japan. Si Bishop-elect Edgar Gacutan ay ang kauna-unahang Filipinong obispo sa Japan.
Sa kasalukuyan si Fr. Gacutan ay naglilingkod bilang kura paroko ng Matsubara Catholic church sa Setagaya Ward, tokyo.
Ang 57-taong gulang na pari ay isinilang sa Cagayan taong 1964.
Taong 1990 nang magtungo sa Japan at nanatili ng tatlong taon bilang seminarista bago bumalik sa Pilipinas upang tapusin ang pag-aaral.
Taong 1994 nang ordinahan bilang pari sa ilalim ng Congregatio Immaculati Cordis Mariae o Congregation of the Immaculate Heart of Mary.
Isang buwan matapos ang ordinasyon, muling naitalaga upang maglingkod sa Japan at nagsilbi rin bilang Superior of the Japanese ICM hanggang sa taong 2012.
Si Bishop-elect Gacutan ang hahalili sa nagretirong si Bishop Martin Tetsuo Hiraga na naglingkod sa diyosesis sa loob ng 16 na taon simula 2005.
Mula 2014 hanggang 2017, naglingkod din si Fr. Gacutan sa Sendai City lalo na sa mga biktima sa naganap na lindol at tsunami noong 2011.
Ang Diyosesis ng Sendai ay binubuo ng 52 parokya na pinangangasiwaan ng 32 mga pari.