3,442 total views
Photo courtesy : Rev. Fr. Loreto Sanchez
March 3, 2020 2:12PM
Binuksan ng San Antonio Abad Parish ang kanilang Stewardship store na nagbebenta ng mga organic na gulay mula Benguet.
Ayon kay Rev. Fr. Loreto “Jhun” Sanchez, parish priest ng San Antonio Abad Parish, ang mga produkto ay direktang inaangkat mula sa mga magsasaka ng Benguet sa pamamagitan ng kanilang organisasyon na Our Farmers’ Haven Federation Inc. Philippines.
Itinatag Stewardship store upang matugunan ang pangangailangang pinansyal ng parokya para sa mga programa nito tulad ng BECs, feeding, rehabilitation at scholarship program sa mga anak ng biktima ng EJKs at drug abused sa lungsod ng Pasig.
“The idea came during the celebration of the Year of the Parish in 2017, how to sustain all the activities of the BEC’s and the apostolate of the parish especially, feeding program for 6 months, Kalakbay program (community-based rehab program) year-round, and scholarship for children, those who were been orphan due to drug-war as well as children of drug dependent.” pahayag ni Fr. Sanchez sa Radyo Veritas.
Ibinahagi din ng Pari na mayroong tatlong parokya sa Metro Manila ang kasalukuyang umaangkat ng gulay sa mga magsasaka ng Bengeut.
Umaasa si Father Sanchez na magkaroon ng kamalayaan ang ibang parokya at mananampalataya na tulungan ang mga magsasaka sa ating bansa.
Sa kasalukuyan, apektado ang mga magsasaka sa Benguet dahil sa pagbaba ng presyo ng gulay bunsod ng COVID-19.