Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kayamanan sa kamay ng iilan

SHARE THE TRUTH

 1,085 total views

Mga Kapanalig, alam ba ninyong ang kayamanan ng siyam na Pilipinong bilyonaryo ay mas malaki pa sa pinagsama-samang yaman ng 55 milyong Pilipino?

Tama ang inyong narinig. Sa report na inilabas ng Oxfam International na pinamagatang Survival of the Richest, lubha ngang matindi ang hindi pagkakapantay-pantay sa ating bansa kung ang pag-uusapan ay ang agwat ng mayayaman at mahihirap. Dagdag pa ng report, hindi kinakaya ng mahihirap na Pilipino ang maka-recover mula sa nagpapatuloy na epekto ng pandemya at nagtataasang presyo ng mga bilihin. Marami ang nagkakasakit at namamatay dahil hindi nila kayang magpagamot o magpaospital, at marami ring nagugutom dahil hindi nila kayang bumili ng sapat at masustansyang pagkain. Samantala, ang mayayaman sa ating bayan ay mas yumaman pa sa kalagitnaan ng pandemya.

Mula sa iba’t ibang negosyo at industriya ang kayamanan ng siyam na pinakamayamang Pilipino noong nakaraang taon. May mga may-ari ng malls, mga nasa pagtatayo ng private subdivisions at condominiums, at mga nagpapatakbo ng airlines at mga malalaking fastfood chains. Ang pinakamayaman ay ang magkakapatid na may kabuuang yamang 12.6 billion dollars o halos 690 trilyong piso! Ayon pa sa Oxfam, mula 2012, ang bilang ng mga Pilipinong ang kabuuang yaman ay hindi bababa sa limang bilyong dolyar ay umakyat sa 43.5%. Hindi ba nakapagtataka—at nakababagabag—na sa gitna ng matinding krisis pangkalusugan at pang-ekonomiya na kinaharap ng ating bansa, mayroon pa ring mga mas yumaman?

Kung bubuwisan ng gobyerno ang mga bilyonaryo at milyonaryo sa ating bansa—o ang tinatawag na wealth tax—sinabi ng Oxfam na makapangungulekta tayo ng mga 3.8 bilyong dolyar sa isang taon. Sapat na ang pondong ito upang madagdagan ang budget para sa mga batayang serbisyo gaya ng pagpapagamot na kailangang-kailangan lalo na ng mga kapus-palad.

Ngunit pikit-matang tinatanggap ng marami sa atin—kahit pa ang mga institusyong katulad ng pamahalaan at simbahan—ang lantarang hindi pagkakapantay-pantay sa ating lipunan. Marahil may mga nakikinabang sa kung paano yumayaman ang mayayaman o kaya naman ay hindi na natin pinakikialaman pa kung saan nanggagaling ang kanilang kayamanan. Nananatili tayo sa pananaw na kung magsusumikap at mananalig lamang tayo, aangat din

ang ating pamumuhay. Laganap pa rin ang paniniwalang nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Kung mamamatay tayong mahirap, kasalanan na raw natin iyon.

Bagamat malaking bagay ang pagsusumikap ng isang tao, hindi natin dapat kalimutang may mga kondisyon sa ating lipunang nagbibigay ng mas malaking pabor sa mga nakaririwasa na sa buhay at may impluwensya, habang kakaunting oportunidad naman ang binubuksan sa mga walang natapos sa pag-aaral, walang mga koneksyon, at walang kapit sa mga makapangyarihan.

At ito sana ang dapat na itinutuwid ng ating mga institusyon, lalo na ng gobyerno. Sabi nga sa Catholic social teaching na Pacem in Terris, dapat gawin ng Estado ang lahat ng magagawa nito upang itaguyod ang kabutihang panlahat o common good. At bagamat wala itong dapat pinapaboran na iisang sektor lamang, dapat nitong bigyang-tuon ang mahihirap at maliliit, sa ngalan ng katarungan at pagkakapantay-pantay.2 Konkretong halimbawa nito ang pagpapatupad ng mga patakaran sa pagbubuwis na magtitiyak na ang yaman ng bayan ay pinagbabahaginan at pinakikinabangan ng lahat. Ginagawa na ito sa ibang bansa. Ngunit sa isang bansang kinokontrol ng mayayaman at sakim, makaaasa ba tayo ng mga progresibong patakaran?

Mga Kapanalig, wika nga sa Mga Kawikaan 22:2, “kay Yahweh ay pareho ang mayama’t mahirap, ‘pagkat Siya ang may lalang sa kanilang lahat.” Hindi sapat ang ganitong pangaral sa isang masalimuot na realidad na magkalayung-magkalayo ang mga maykaya at ang mga dukha, ngunit unti-unti, umasa at kumilos sana tayo para sa isang bayang marunong magbahaginan at magkapatiran.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 27,579 total views

 27,579 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 42,235 total views

 42,235 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 52,350 total views

 52,350 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 61,927 total views

 61,927 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 81,916 total views

 81,916 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 27,580 total views

 27,580 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,819 total views

 2,819 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 42,236 total views

 42,236 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 52,351 total views

 52,351 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 61,928 total views

 61,928 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 81,917 total views

 81,917 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,413 total views

 48,413 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,438 total views

 43,438 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,007 total views

 47,007 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,462 total views

 59,462 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,529 total views

 70,529 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,848 total views

 76,848 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,459 total views

 81,459 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,019 total views

 83,019 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,580 total views

 48,580 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top