Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kayamanan sa kamay ng iilan

SHARE THE TRUTH

 362 total views

Mga Kapanalig, kung ang kabuuang kita ng ating bansa o national income ay hahatiin na parang bilog na cake at pagbabahaginan ng isandaang Pilipino, ang labing-apat na slices (o 14%) ay pagsasaluhan ng 50 Pilipino o kalahati ng grupo. Sila ang bottom 50 percent. Labimpitong slices naman (o 17%) ang mapupunta sa isang Pilipino, ang wealthiest one percent sa grupo.  

Ganito katindi ang hindi pagkakapantay-pantay nating mga Pilipino pagdating sa kita o income. Bagamat batay sa datos ng World Bank noong 2022 ay nagawa ng ating bansang bawasan ang kahirapan, isa pa rin tayo sa mga may pinakamataas na income inequality sa Silangang Asya. Mga middle class ang bumubuo sa pinakamalaking bahagi ng ating populasyon sa ngayon, bagay na kasang-ayon naman sa layunin ng ating gobyernong maging middle-class society ang Pilipinas pagsapit ng 2040. Ngunit paalala ng World Bank, walang bansang naging middle-class habang nananatiling napakalaki ng agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap.1

Sinu-sino ang wealthiest one percent na mas malaking bahagi ng cake ang nakuha kaysa sa natanggap ng bottom 50 percent 

Inilabas ng Forbes Magazine ngayong buwan ang World’s Billionaires List para sa taóng 2023. Sa listahang ito, labing-apat na Pilipino ang napasama. Sila ay mga negosyanteng yumaman—at patuloy pang yumayaman—mula sa pagtatayo at pagbebenta ng mga bahay, pagpapatakbo ng mga shopping malls, casino, at pantalan, o pagbebenta ng pagkain at inumin. Ang pinakamayaman sa kanila ay may net worth na 8.6 bilyong dolyar o tumataginting na 470 bilyong piso. Kung pagsasama-samahin ang kayamanan ng pinakamayayamang Pilipinong nasa listahan ng Forbes, aabot ito sa 41.4 bilyong dolyar o mahigit dalawang trilyong piso! Nakalululang kayamanan, hindi ba? 

Samantala, milyun-milyong Pilipino ang namumuhay nang isang kahig, isang tuka. Maraming walang masilungan at nagtitiis na matulog sa bangketa at mga sulok ng mga lungsod. Maraming walang makain o mainom na malinis na tubig. Maraming walang hanapbuhay at umaasa na lamang sa limos na dadapo sa kanilang mga palad.  

Sinasalamin ng mga katotohanang ito ang tinatawag ni Pope Francis na inequality crisis, isang krisis ng hindi pagkakapantay-pantay, isang krisis kung saan nasa kamay ng iilan ang kayamanang dapat pinagbabahaginan ng lahat. Ang krisis na ito, paliwanag pa ng ating Santo Papa, ay bunga ng paniniwala sa trickle-down economic policies, mga patakarang pinapaboran ang mayayaman sa pamamagitan ng hindi pagpapataw sa kanila ng malaking buwis at ng pagtulong sa kanila at sa kanilang mga korporasyon. Sa ganitong paraan daw, ang anumang matitipid ng mayayaman ay bubuhos sa mas nakararami sa pamamagitan ng pamumuhunan, paggastos, at iba pa.  

Marami, kabilang si Pope Francis, ang duda sa ganitong uri ng ekonomiya. Sa halip na umapaw, ‘ika nga, ang mga benepisyo sa mas nakararami, mas lumaki pa ang lalagyan ng mga mayayaman upang mapasakanila pa rin ang kayamanan nila. Sa halip na makalikha pa ng mas maraming trabaho, mas marami pa rin ang walang katiyakan sa kanilang hanapbuhay at nakatatanggap lamang ng kakarampot na sahod. Sa halip na mas marami ang nakikinabang sa yamang nililikha ng mga negosyo, marami ang nawawalan ng kanilang sariling lupain o pinalalayas sa kanilang tahanan. Hindi ba nakaiiskandalo ang mga ito? 

Mga Kapanalig, ang malaking agwat sa pagitan ng mayayaman at dukha ay patunay na hindi natin pinahahalagahan bilang isang bayan ang angking dignidad ng mga tao. Ngunit hindi pa huli ang lahat. Kung nagawa nga nating mabawasan ang kahirapan sa bansa, kaya rin nating gawing mas patas ang ating lipunan. Ang tanong: gagawin ba ito ng mga pinili nating mamuno sa atin na, gaya ng ipinahihiwatig sa Isaias 10:1-2, “gumagawa ng hindi makatarungang batas na umaapi sa mga tao at inaalisan ng karapatan ang mahihirap”? 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 36,611 total views

 36,611 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 47,686 total views

 47,686 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 54,019 total views

 54,019 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 58,633 total views

 58,633 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 60,194 total views

 60,194 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 36,612 total views

 36,612 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 47,687 total views

 47,687 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 54,020 total views

 54,020 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 58,634 total views

 58,634 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 60,195 total views

 60,195 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 43,318 total views

 43,318 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 65,981 total views

 65,981 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 71,557 total views

 71,557 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,038 total views

 77,038 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,151 total views

 88,151 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,150 total views

 84,150 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 71,852 total views

 71,852 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 80,334 total views

 80,334 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 73,393 total views

 73,393 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 80,317 total views

 80,317 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top