1,271 total views
Umaapela ang isang Obispo ng mabilis na pag-gawad ng katarungan sa mga biktima ng marahas at madugong dispersal sa kilos-protesta ng mga magsasaka sa Kidapawan, North Cotabato.
Hinimok ni Malaybalay Bishop Jose Cabantan ang administrasyong Aquino na mabilis na alamin ang tunay na pangyayari at papanagutin ang mga lumabag sa karapatang pantao.
Iginiit ni Bishop Cabantan na sa pamamagitan ng walang kinikilingang pagsisiyasat at pagpapanagot sa mga nagkasala ay muling maibalik ang maganda at maayos na relasyon sa pagitan ng mamamayan at ng local na pamahalaan upang magkaroon ng kaayusan at katahimikan sa Kidapawan.
Ikinalulungkot naman ni Malaybalay Bishop Jose Cabantan na naging marahas ang simpleng panawagan ng mga magsasaka sa gobyerno na pagkalooban sila ng pagkain matapos masira ng El nino o tagtuyot ang kanilang pananim.
Ayon sa Obispo, ang marahas na dispersal sa hanay ng mga magsasaka ay nangyayari lamang noong panahon ng martial law.
“It’s unfortunate that it resulted to that violent dispersal. Those were the times of Martial law days and soon after it. It’s good to know why it resulted that way, why the negotiations broke down, and why was the rice the farmers asked were not given yet. We hope that there will be a speedy resolution to the incident and justice in terms of right relationships be restored so that peace will reign.”pahayag ni Bishop Cabantan sa Radio Veritas
Nabatid mula sa datos ng Department of Agriculture, ang Region-12 ang pinakamalubhang sinalanta kung saan 17-libong hektarya ng lupang sakahan ang naapektuhan ng tagtuyot at 20-libong magsasaka ang direktang naghihirap.