Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kilalanin ang karapatan, kahalagahan ng mga Katutubo

SHARE THE TRUTH

 1,238 total views

Hinimok ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mamamayan na kilalanin at pasalamatan ang mga katutubo hindi lamang sa Pilipinas, kun’di maging sa buong mundo.

Ito ang paanyaya ng Obispo mula sa kanyang pagninilay sa paggunita sa Indigenous Peoples’ Sunday at pagtatapos ng Season of Creation sa bansa.

Ayon kay Bishop Pabillo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Office on Stewardship na ang mga katutubo ang mga unang tagapagbantay at tagapangalaga ng kalikasan kaya’t marapat lamang na sila ay bigyang-halaga dahil sa kanilang mahalagang tungkulin.

“Marami tayong matututunan sa kanila kung paano makipag-ugnay sa ating kapaligiran. Kilalanin natin ang kanilang karapatan sa kanilang ninunong lupain,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Ibinahagi ng Obispo na marami ring mga katutubo ang naninirahan sa Palawan kaya’t makikita sa lalawigan ang kanilang malaking ambag sa pagpapanatiling maayos ng mga likas na yaman.

Batid ni Bishop Pabillo na kasabay ng tungkuling pangalagaan ang kalikasan, kinakaharap ng mga katutubo ang pagsubok tulad ng pagbabanta at pananakot na paalisin sa kanilang mga lupaing ninuno upang maging minahan at iba pang mapaminsalang proyekto.

“Huwag natin silang isantabi. Pahalagahan at ipagtanggol natin sila at ang kanilang kultura,” dagdag ng Obispo.

Ipinagdiriwang tuwing ikalawang Linggo ng Oktubre, ang Indigenous Peoples’ Sunday ay paggunita sa mahalagang tungkulin ng mga katutubo sa pangangalaga ng ating nag-iisang tahanan, at hudyat na rin ng pagtatapos ng pagdiriwang ng simbahan sa bansa sa Season of Creation.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 22,715 total views

 22,715 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Hindi sapat ang kasikatan

 30,051 total views

 30,051 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »

Deserve ng ating mga teachers

 37,366 total views

 37,366 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 87,687 total views

 87,687 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 97,163 total views

 97,163 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Kahalagahan ng mga katutubo, kinilala ni Bishop Santos

 533 total views

 533 total views Inihayag ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kahalagahan ng mga katutubo sa pamamagitan ng kanilang mga kultura, tradisyon, at ambag sa lipunan. Ayon kay Bishop Santos, na siya ring kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral, ang mayamang kultura ng mga katutubo ay hindi

Read More »
Discuss Socio-Political Church Issues
Michael Añonuevo

UP-PGH chaplaincy, nagpapasalamat sa nakiisa sa Dugong Alay, Dugtong Buhay

 1,052 total views

 1,052 total views Nagpapasalamat si University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) Chaplaincy head, Fr. Marlito Ocon, SJ sa mga blood donor at volunteers na nakibahagi sa isinagawang blood donation drive. Ito ang Dugong Alay, Dugtong Buhay na inorganisa ng Loyola School of Theology Student Council noong October 8 sa Loyola House of Studies sa Ateneo

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagiging huwaran ng mga katutubo sa pangangalaga sa kalikasan, kinilala ni Bishop Aseo

 1,231 total views

 1,231 total views Binigyang-diin ni Tagum Bishop Medil Aseo ang mahalagang gampanin ng simbahan sa pagkilala at pagtugon sa pangangailangan ng mga katutubo, lalo na sa pangangalaga ng kalikasan. Ayon kay Bishop Aseo, dapat kilalanin ang kultura at ambag ng mga katutubo, na likas na mga tagapangalaga ng mga likas na yaman, at nagpapakita ng pamumuhay

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ika-4 na Bike for Kalikasan, isasagawa sa Visayas Region

 1,241 total views

 1,241 total views Mahigit 250 siklista at mga tagapagtanggol ng kalikasan ang nagtipon-tipon para sa 3rd Bike for Kalikasan sa Cagayan de Oro City noong October 5. Naging matagumpay ang gawaing inorganisa ng Caritas Philippines katuwang ang Archdiocese of Cagayan de Oro kung saan kabilang sa mahalagang bahagi ang makasaysayang deklarasyon ng climate emergency sa arkidiyosesis.

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ihinto ang pamumuhunan sa fossil fuel, panawagan ng Simbahan sa SMC

 2,298 total views

 2,298 total views Nananawagan sa San Miguel Corporation (SMC) ang Simbahang Katolika sa Pilipinas at stakeholders ng kumpanya na ihinto na ang pamumuhunan sa fossil fuels at lumipat na sa renewable energy. Sa pamamagitan ng Caritas Philippines, nagkaisa ang mga mga kasapi, iba’t ibang organisasyon, at social action centers ng simbahan, at stakeholders ng SMC upang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Opisyal ng CBCP, dismayado sa NCIP

 5,045 total views

 5,045 total views Iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples ang kahalagahan ng pagbibigay ng ancestral domain titles sa mga katutubo. Ayon kay Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc, chairman ng komisyon, mahalaga para sa mga katutubo ang pagkakaroon ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) upang sila’y maging katuwang sa pangangalaga sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagsusulong sa kapakanan ng mga IP, pinagtibay ng simbahan at LGU’s

 5,139 total views

 5,139 total views Tiniyak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Kalinga ang patuloy na pakikipagtulungan at pagsuporta sa mga proyekto ng simbahan para sa kapakanan ng mga katutubo. Ayon kay Kalinga Governor James Edduba, layunin ng pakikipag-ugnayan na ipalaganap ang mahalagang misyon ng simbahan sa paghubog ng mga katutubong pamayanan, lalo na sa aspeto ng edukasyon. Binanggit ni

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Bishop Vergara, pinangunahan ang pagtatalaga sa San Lorenzo Ruiz Parish Church sa Laguna

 6,754 total views

 6,754 total views Bishop Vergara, pinangunahan ang pagtatalaga sa dambana sa San Ruiz Parish Church. Pinangunahan ni San Pablo Apostolic Administrator Bishop Mylo Hubert Vergara ang pagtatalaga sa Dambana at Simbahan ng San Lorenzo Ruiz Parish sa Sta. Rosa City, Laguna. Isinagawa ang pagdiriwang nitong September 27, bisperas ng kapistahan ni San Lorenzo Ruiz, kung saan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Our Lady of Miraculous Medal parish, nilooban

 8,560 total views

 8,560 total views Naglabas ng pahayag ang Parish Pastoral Council ng Our Lady of the Miraculous Medal Parish (OLMMP) sa Project 4, Quezon City kaugnay sa insidente ng pagnanakaw sa parokya, kagabi. Napag-alamang nilooban at ninakawan ang parokya nang buksan ang simbahan nitong umaga ng Setyembre 27, kung saan kinuha sa kinalalagyan at sapilitang binuksan ang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mag-ingat sa Holloween costumes at decorations na may halong kemikal, babala sa mamamayan

 8,529 total views

 8,529 total views Binalaan ng BAN Toxics ang publiko laban sa pagbili ng Halloween costumes at decorations na maaaring may sangkap na nakalalasong kemikal ngayong nalalapit na ang paggunita sa Undas o All Saints’ Day at All Souls’ Day. Ayon kay BAN Toxics Campaigner Thony Dizon, bukod sa nakakatakot na hitsura ng mga produkto, dapat ding

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Caritas Philippines, nanindigan laban sa Kaliwa dam

 9,090 total views

 9,090 total views Muling pinagtibay ng social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang paninindigan para sa pangangalaga sa mga likas na yaman at karapatan ng mga katutubong pamayanan. Ito ang binigyang-diin ng Caritas Philippines sa paggunita ngayong araw sa Save Sierra Madre Day. Ayon sa institusyon, ang Sierra Madre, bukod sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagpaslang sa isa na namang anti-mining advocate, kinundena ng ATM

 9,452 total views

 9,452 total views Mariing kinokondena ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ang pagpaslang kay Alberto Cuartero, isang anti-mining advocate at kapitan ng Barangay Puyat, Carmen, Surigao del Sur. Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, hindi makatarungan ang sinapit ni Cuartero gayong nais lamang nitong ipagtanggol ang karapatan ng kinasasakupan mula sa epekto ng mapaminsalang pagmimina. “We

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Earth Hour, isasagawa ng Archdiocese of Davao

 9,070 total views

 9,070 total views Isasagawa ng social arm ng Archdiocese of Davao ang sabayang pagpapatay ng mga ilaw at kagamitang de-kuryente bilang bahagi ng pagdiriwang sa Season of Creation ngayong taon. Hinihikayat ng Davao Archdiocesan Social Action Center ang mga mananampalataya para sa Earth Hour sa September 28, mula alas-8 hanggang alas-9 ng gabi bilang paraan ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagpapahinto sa PAREX project, panawagan ng Diocese of Pasig

 10,232 total views

 10,232 total views Hinimok ng Diocese of Pasig Ministry on Ecology ang mamamayan na makiisa sa panawagan sa pangangalaga at pagpapanumbalik sa mga ilog para sa kapakanan ng susunod na mga henerasyon. Ayon kay Ecology ministry director, Fr. Melvin Ordanez, ang mga ilog ay nagbibigay-buhay, hindi lamang sa mga nilalang na umaasa rito, kundi maging sa

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Huwag mag-astang amo ng taumbayan, babala ng Obispo

 9,830 total views

 9,830 total views Nanawagan si 1987 Constitutional framer, Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr. sa mamamayan para sa patuloy na pagbabantay at pananagutan, lalo na ang mga may katungkulan sa pamahalaan. Ayon kay Bishop Bacani, hindi dapat isantabi ng publiko at mga namumuno na ang pagkakaroon ng kapangyarihan ay paglilingkod at hindi para maging amo ng taumbayan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top