199 total views
Ito ang payo ng Kanyang kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga seminarista academic symposium sa San Carlos Seminary.
Tinukoy ni Cardinal Tagle sa symposium ang isa sa mga pagsubok na kinakaharap ng bawat seminarista na pagkakaroon ng sexual attraction.
Ayon sa Kardinal, nakahandang tumulong at magbigay ng gabay ang mga guro at mga pari upang matutuhan ng mga mag-aaral ang tamang pagkontrol sa atraksyon sa kapwa lalaki at babae.
Naniniwala ang Kardinal na ang pag-amin sa sarili at ang pagtitiwala sa spiritual adviser ang magiging susi upang maayos na magabayan ang mga seminarista at maging mabuti ang kanilang paglilingkod sa tatahaking misyon.
“If it is opened up and entrust you get guidance, then chances are with good will, and with God’s grace, then the healing could happen, and then the person could be productive in ministry and we’re saying this for all homosexual orientation and even your heterosexual attractions.” pahayag ni Cardinal Tagle.
Nilinaw ng Kardinal na ang pagpapari ay hindi lamang tungkol sa pagpipigil sa pagkakaroon ng atraksyon at pagtupad ng vow of celibacy ngunit mas mahalaga ang pagtalima sa tungkulin na pagbabahagi ng mabuting balita ng Panginoon.
“We want to put it also in the right perspective, please do not think that the calling to priestly ministry is only about handling sexual urges and our sexual identity. It has a part and if not handled well it could destroy because priestly life is a relationship. But it is not the only thing that matters, remember that priestly ministry, the total priestly ministry includes ministry of the word. You may not have any sexual violation but if you do not preach the word of God, can you consider yourself a spiritual father? and how much time do you invest in learning the word of God and developing your skill also in communicating God’s word?” paglilinaw ng Kardinal
Tiniyak naman ng Kardinal na ang mga seminarista na dadaan sa ganitong pagsubok ay gagabayan ng mabuti ng kanilang mga spiritual advisers.
Nito lamang ika-10 ng Hunyo, inilabas ng Congregation for Catholic Education sa Vatican ang dokumentong may titulong “Male and Female He Created Them”.
Ang tatlumpu’t isang pahinang dokumento ay nagsisilbi ring panawagan sa mga pamilya, paaralan, at sa buong lipunan upang matutunan ng mga bata ang orihinal na katotohanan sa sa kasarian na pagkalalaki at pagkababae.