215 total views
Hinimok ng Greenpeace Southeast Asia ang bawat Pilipino na kilalanin at piliin ang kandidatong may malasakit sa kalikasan.
Ayon kay Vince Cinches, Oceans Campaigner ng grupo, nakasalalay sa boto ng bawat mamamayan ang kinabukasan ng kalikasan ng Pilipinas.
Dahil dito aniya, mahalagang masuri ang bawat kandidato na may alam at may pakialam sa usapin ng kalikasan.
“Yung pinipili nating mga namumuno sa atin ay walang alam in terms of environmental conservation, and for us, meron tayong contribution because we fail to choose kung sino yung may environmental agenda, 2016 is crucial, kailangan nating lumabas at saka iluklok yung mga presidenta na may klarong programa at saka plataporma para maproteksyunan ang ating environment,” pahayag ni Cinches sa Radyo Veritas
Kaugnay nito, paiigtingin naman ng mga environmental groups ang mga pagkilos upang mapag-usapan ang climate change sa huling presidential debate sa ika-24 ng Abril sa pamamagitan ng pag pagpapadala ng kinatawan bilang isa sa mga panel sa debate.
Batay sa 2014 World Risk Report sa buong mundo, pangalawa ang Pilipinas sa mga bansang pinaka-naaapektuhan ng climate change.
Sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco hinimok nito ang bawat mamamayan na gumawa ng kongkretong programa upang labanan ang climate change at maibalik ang dating balanse ng kalikasan.